Pinag-iingat ngayon ng otoridad sa pangunguna ng National Bureau of Investigation-Cordillera ang publiko kontra sa isang sindikatong kasama ang isang Hapones na nambubudol sa pamamagitan ng puting pulbong kemikal gawang France na “Carburant de Soute”. Kinakailangan daw ang “Carburant de Soute” bilang chemical agent sa recycling ng tone-toneladang used motor oils na nakatambak umano sa isang barkong nakadaong sa Palawan.
Isang residente ng Baguio City ang nabudol ng sindikato ng P4.3M nang bumili ito sa isang team ng sindikato at
pinaniwalang mapagkakitaan din niya ito ng higit sa kanyang puhunan sa pamamagitan ng pagbili ng isa pang team na sindikato din. Yun pala, nahati ng dalawang teams ang sindikato at kunwari’y hindi magkakilala, ngunit halos sabay na kumontak sa biktima. Nagkunwaring buyer ng binebentang lupa ang dalawang teams ng sindikato at
magkasunod pang nag-site visit/viewing sa lupang binebenta ng biktima sa Rosario at Naguillan, La Union.
Nang makuha na ang kumpyansa ng biktima, nabanggit ng isang team ang pinaghahanap na pulbong kemikal. Naghudyat din ito sa isang team na sa gitna ng kunwaring pakikipagnegosasyon nila sa lupang binebenta nya’y mayroong sila nung kemikal. Bilang test-buy at mapaniwala ang biktima, bumili ang unang team ng isang paketeng karton sa halagang P23,000.00 at pinaniwala siyang nangngailangan pa ng 900 karton.
Sa kagustuhang kumita, napakagat ang biktima upang bumili ng kemikal na nagkakahalahang P4.3M na inalok ng pangalawang team. Naideposito ng biktima sa banko ang P4.3M sa account ng isa sa mga lider ng sindikato sa
unang team at naglahong parang bula ang mga ito. Sa pagsusuri ng government forensic expert, totoong kemikal ang kinuha ng biktima ngunit NaCl (Sodium Chloride) o asin ang nakakartong inakalang “Carburant de Soute” na
binayaran ng biktima ng P4.3M.
Tiyak, bukod sa taga Baguiong biktima ng sindikato ay may mga nabudol pa sila hindi lamang sa Norte, kundi sa iba pang lupalop ng bansa. Ipinanawagan ngayon ng otoridad, lalo ang ng NBI na makipag-tulungan at ipagbigayalam sa kanila kung may nalalaman ukol sa sindikato. Dapat managot na sila sa kaHudasang pinaggagawa.
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 21, 2024