“MAHARLIKA, SAAN PATUNGO?”

Muling nanunumbalik ang usaping ‘Mahalika’ hindi bilang pamalit sa pangalan ng bansa na unang pinanukala ni ‘Apo Makoy’, kundi sa pamamagitan ng “Sovereign Wealth Fund”. Agad namang sinalubong
ang panukala, na pinangungunahang ng angkang Marcos sa Mababang Kapulungan ng sari-saring
reaksyon. Ilan ay suporta, karamihan batikos at mismo pa kay Senadora Imee Marcos, ang Special Ate to the President.

Ayon sa InfrawatchPH, magiging matagumpay lamang ang SWF kung ang pagkukunan ng pondo ay mula
sa natural ng yaman gaya ng langis, natural gas o pagmimina. Napatunayan ito sa Norway, Russia at
Middle East. Ngunit wala tayong langis, at ni hindi pa ma-exploit ng bansa ang yamang natural gas sa pinaglalabanang West Philippine Sea. Hindi naman pabor sa bansa ang mga kasalukuyang kasunduan sa
pagmimina.

Maaring panggagalingan sana ng SWF, ayon pa sa InfrawatchPH, ang sobrang pondo ang pamahalaan,
nakadepositong dolyar, at iba pang financial instruments gaya ng sa Singapore at Hong Kong. Ngunit, wala tayong surplus na pondo at mas malaki ang naibabayad natin sa inaangkat na produkto kaysa
nailuluwas sa labas ng bansa. Nakakatakot na asahang mula sa SSS, GSIS at mga bangko ng pamahalaan ang pondo ng SWF dahil nakalaan ang mga pension funds at deposito dito sa kagalingan at
kapakanan ng mga benepisyaryo at kasapi.

Hindi maaring gayahin ng Pilipinas ang Qatar na datapwat hindi mabawi agad ang bilyongbilyong ginastos nito sa pagdaraos ng World Cup, mayaman ito sa langis at Norway na nagsusustini bilang “welfare state” dahil sa SWFs. At kung sakali mang maitayo ang SWF ng bansa bilang ‘Maharlika Fund’, tiyaking mailayo ang istruktura nito sa Tanggapan ng Pangulo upang hindi magamit sa pamumulitika at sa kalauna’y
tagumpay na magsilbing panggagalingan ng pondong panustos sa ikauunlad ng ekonomiya at hindi ang
kabaliktaran lalo na sa korapsyon.

Amianan Balita Ngayon