MGA KATAKA-TAKANG EKSENA… NAGAGANAP SA BANSA!!!

Tama yata ang kasabihan– ONLY IN THE WORLD ang Pilipinas sa dami ng mga “Katakatakang” mga
kaganapan. Ang pinakahuli ay ang pagsuko ng isa sa mga suspects sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid. Mantakin mo, ang “mastermind” diumano sa naturang krimen ay nasa loob ng bilibid? Sige, bubusisihin natin ito mamaya dahil may mga nauna pang pangyayaring tunay na katakataka:

Nang nahalukay ang isyu ng pagkawala ng puting sibuyas…sunud-sunod na ang pagsulpot ng mga ulat ng mga bagay na nangangawala. Katunayan, wala pa rin ang sibuyas na ito sa merkado na sinundan din ng medyo kumukunti ng pulang sibuyas. Pati nga asin, naging isyu rin dahil nabulgar na kakaunti pala
ang gawa sa ating bansa kundi ini-import pa pala natin ang nobenta porsiyento nito.

Pagdating naman sa isdang galunggong o mga sinasardinas na lamangdagat… may mga ulat na
kakarampot na lang daw kung kaya’t lakas-loob ang mga mangingisda nating mangisda sa mga pinag-aagawang teritoryo sa karagatan. At nang humagupit ang kalamidad kamakailan, maraming sakahan
ang apektado. Tiyak…ang susunod dito ay pagtaas ng presyo ng mga produkto mula sa bukid. At sa
pagkilos ng gobyerno,  nabuking ang mga negosyanteng nagtatago pala ng mga kalakal.

Buking din ang nangyayaring smuggling gaya ng asukal na galing pa sa Thailand. Sus ginoo….papanong di ka magtataka eh, kahit sa mga nagdaang mga rehime…todolinis na sila sa lahat ng mga ahensiya ng ating pamahalaan. Ibig bang sabihin na hindi nila nalinisan ang dapat linisin? Napaulat din kamakailan na sa operasyon ng POGO, (ang offshore gaming operators)…sinasabi ng Tsinan na bawal sa kanilang mga residente ang magsugal sa labas ng kanilang bansa.

Eh, bakit natuklasang maraming tsino (17K plus) ang natumbok ng administrasyon na naririto sa bansa at
empleado ng POGO. Tuloy, marami sa kanila ang nadedeport. Sigaw ng mga kontra kumpas: itigil na kasi
ang operasyon ng POGO na yan. Sagot ng sa kabila: huwag, kasi malaki ang kinikita ng ating bansa sa operasyon nito. Amen. Tuloy sa praktikal na analisa ng ilan nating kababayan: ibig palang sabihin, na maski illegal basta’t may kita, ayos lang ba? Para naman sa mga nakakaintindi: dapat lang na itama o gawing legal ang problema para legal din ang kita.

Kamakailan nga naging kontrobersiya rin ang sandamukal na bilang ng mga nanalo sa Lotto. Sala-salabat na upak at imbestigasyon ang sumunod. Anong nangyari? Tahimik na. Daplis ng marami: sa umpisa lang ang dada hanggang sa dulo ay “limut na”. Papanong di ka magtataka pards sa mga kaganapang ire?
Ang isa sa mga kontrobersiya ay yong muntik na ang buhay ni dating senador Leila De Lima. Mga gustong
tumakas daw na mga Abu ang natepok na suspects.

Samu’tsari na namang isyu ang lumitaw dahil dito. Patung-patong ding mga imbestigasyon ang bumira
hanggang sa natabunan ang lahat sa pagpatay sa isang tagamedia. At kamakailan, may sumuko at unamin ang kanyang diumano’y partisipasyon sa krimen. May nagsasabing baka naman “fall guy” ito. Sa
kanyang salaysay…ang kanyang hati sa kita (mula sa 500K) na abot sa P140K ay idiniposito na sa bangko ng kanyang anak. O, di ba kapanipaniwala naman ang kanyang say.

Kaya daw binaril niya si Lapid dahil kung hindi niya gagawin, siya naman daw ang papatayin. Haayy naku…mga eksenang only in the Philippines lang nangyayari. Parang pelikula. At sa mga pangyayaring nabanggit…ang suma-total ay katakatakang nagaganap ang krimen sa ating tabi lang. Pinaka-simpleng
pangyayari: may mga lugal sa bansa na ang mga illegal na gawain ay nasa tabi pa ng mismong kuta ng kapulisan at mga dawit pang otoridad. Kaya di na tayo dapat magtaka…ganyan ang ating bansa – “Only in the World”. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon