Mga residente pinaalalahanan sa ordinansang bawal ang street gangs sa Lungsod

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na isang ordinansa ng konseho ng lungsod na ipinagbabawal ang pagtatatag at operasyon ng street gangs at pag-recruit ng mga menor de edad upang magpasimuni ng karahasan at kaguluhan sa komunidad ay naging epektibo sa lungsod mula pa noong Disyembre 2021.
Maaalala na nilagdaan ni Mayor Benjamin Magalong noong Nobyembre 23, 2021 ang Ordinance No. 99 series of 2021 na iniakda nina Councilor Levy Lloyd Orcales at Betty Lourdes Tabanda.
Ipinagbabawal ng ordinansa ang mga sumusunod: creation and operation of a street gang that vehemently disregards the safety and wellbeing of an individual; recruitment of persons including minors to participate in street gang violence; instigation of the conduct of gang graffiti; and other activities that disturb public order and threaten public safety and convenience.
Itinatakda rin nito ang intervention mechanism para sa mga lumalabag na mga menor de edad. Isinabatas din ito upang tugunan ang mga aktibidad ng mga street gang at katulag na mga grupo na nagsasamantala sa mga napapariwarang na mga menor de edad, kabataan at children in conflict with the law at gamitin sila at ilantad sila sa karahasan at mga iligal na aktibidad na gawin silang delingkuwenteng kabataan, magugulong mamamayan at mga pabigat sa lipunan sa hinaharap.
Iniuutos din ng ordinansa ang paglikha ng City Juvenile Justice and Welfare Council na paumunuan ng mayor sa implementasyon ng mga probisyon ng nasabing ordinansa.
Naatasan ang konseho na bumuo ng isang Comprehensive Local Juvenile Intervention Program para maisama sa taunang Local Development Plan for Children. Ang intervention program ay dapat tugunan ang kinakailangang pagbabago ng mga menor de edad na lumabag at kanilang mga pamilya.
Para sa matatandang lumalabag, pinagtibay ang isang multa na PhP5,000 at pagkakakulong ng 1 hanggang 30 araw o pareho.
Inuutusan ang Office of the City Social Welfare and Development Officer na lumikha ng Implementing Rules and Regulations ng ordinansa sa koordinasyon sa City Juvenile Justice and Welfare Task Force.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon