Nakumpiskang droga umabot sa P132-M, 31 pa nahuli

CAMP MAJOR BADO DANGWA, La Trinidad Benguet – Sa kabila ng banta ng nakakamatay na Corona Virus ay puspusan pa rin ang operasyon ng kapulisan laban sa illegal na droga na umabot sa P132 milyon ang kanilang nasamsam sa kanilang isinagawang operasyon na nagresulta nang pagkakadakip pa ng 31 na suspek.
Sa loob lamang ng isang buwan nitong Marso halos umabot sa P132 milyon ang nasamsam ng mga pulis sa ikinasang ibat ibang operasyon sa loob ng Cordillera. Sinampahan ng kaso ang 31 na nahuli sa ibat-ibang kaso sa korte.
Ayon sa ulat ng pulis sa kabuuan ng Php132,962,787.39 na ilegal na droga ay 137.05 na gramo ay shabu , samantalang uambot naman sa 366, 273 plants, 12, 160 seedlings ng marijuana, 9, 050.00 gramo ng buto ng marijuana, 398,358.92 gramo ng tuyong marijuana at 85,000 ng tanim na marijuana.
Kamakailan lamang ayon sa pulisya isang suspek sa pagbebenta ng shabu ang nadakip na si Dondon Doctor Cacanindin, 32 anyos at nagtratrabaho sa Omengan Construction and Development Corp. Nadakip ang suspek sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga police operatives noong Marso 27, 2020 sa Dagitan St. Casigayan Centro, Tabuk City Kalinga.
Nakuha sa suspek ang 2 sachet ng plastik na di umanoy may laman ng shabu , buy-bust money at isang putting cellphone.
Nadakip din ng mga otridad ang isang suspek na si Christopher Tumaneng Buston,32 isang karpintero ng Balong, Tabuk City, Kalinga. Nasakote ang nasabing suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Tabuk City na kung saan ay nakumpiska ang isang sachet ng plastic na may lamang shabu sa Pantar Laya West sa lunsod ng Tabuk noong Marso 26 , 2020.
Samantala binigyan naman ng komendasyon ang mga police operatives ni PDirector, PGen R’win Pagkalinawan na aniya na sa kabila ng banta ng Covid-19 ay patuloy pa rin ang operasyonb ng kapulisan laban sa mga ilegal na gawain ng mga indibidwal sa rehiyon ng Cordillera na sinasamantal aniya ang nagaganap na krisis.
Thomp

Amianan Balita Ngayon