LAMUT, Ifugao
Isang security guard na tinaguring National Top Most Wanted Person, na nagtago ng 19 na taon na akusado sa kasong murder, ang nasakote ng mga tauhan ng Ifugao Police Provincial Office sa Barangay Poblacion West, Lamut, Ifugao noong Abril 2 . Batay sa mga ulat, ang naarestong suspek ay isang 41- anyos na lalaki, residente ng Barangay La Fortuna, Impasugong, Bukidnon, at nakalista bilang National Most Wanted Person na may reward na sakop ng DILG Memorandum Circular # 2009-29.
Ayon sa Ifugao PPO, inaresto ng joint operatives ng Lamut Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence
Unit, at 145 SAC 14th SAB ng PNP SAF ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Romeo Habbiling, ng RTC Branch 14 Lagawe, Ifugao, na inilabas noong Agosto 14, 2013, para sa krimen ng pagpatay. Ginawa ang krimen noong Marso 9, 2005, sa Lamut kung saan binaril ng suspek ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang dokumentasyon, ang suspek ay itinurn-over ng Lamut MPS sa Bureau of Jail Management and
Penology-Ifugao District Jail sa Tiger Hill, Baguingey, Kiangan, Ifugao para sa kaukulang disposisyon.
Zaldy Comanda/ABN
April 7, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024