NBI clearance fee, tataas ngayong Marso

LUNGSOD NG DAGUPAN – Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na simula ngayong Marso ay tataas ng P15 ang bayarin sa NBI clearance.
Dati ay nagbabayad ang mga aplikante ng P115 para sa NBI clearance subalit simula sa Marso 12 ay magiging P130 na ito ayon kay Rizalyn Jaymalin, officer-in-charge ng NBI-Dagupan.
Ipinaliwanag ni Jaymalin na ang pagtaas ay sanhi ng pagtaas ng documentary stamp tax ayon sa Republic Act 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at Revenue Regulations No. 4-2018 na inilabas ng Bureau of Internal Revenue.
Upang mabawasan ang mahabang pila ng mga “walk-in applicants” ay ipinayo ni Jaymalin sa mga aplikante na subukang mag-apply sa online registration system sa pag-log-in sa clearance.nbi.gov.ph upang beripikahin ang data, payment of services at pag-punan sa kinakailangang application form.
Isang importanteng dokumento ang NBI clearance na nagsisilbing rikisito sa mga naghahanap ng trabaho at aplikasyon ng pasaporte. PNA Pangasinan / ABN

Amianan Balita Ngayon