NIA tinapos ang Php631-million Barbar SRIP bayan ng Ilocos Sur

SAN JUAN, Ilocos Sur – Natapos na ng National Irrigation Administration (NIA) ang Barbar Small Reservoir Irrigation Project (Barbar SRIP) sa gitna ng paglaganap ng pandemya sa COVID-19 sa barangay Barbar dito.
Ang PhP631 – milyon na Barbar SRIP ay konstruksiyon ng isang earthfill dam sa Bical River na may taas na 25 metro at 344.15 metro na haba at may storage capacity na 0.861 million cubic meters.
Ang irrigation facilities ng proyekto ay binubuo ng uisang limang-kilometrong main canal at isang kabuuang 16.28 kilometro na lateral canals. Ang mga access roads ay sabay-sabay na ginawa na ang lateral canals ang may parehong haba sa nauna, magbibigay ng mobility at accessibility sa mga magsasaka at kanilang mga produkto at ani.
Ang Barbar SRIP na may 846-hectare service area ay layong magbigay ng sustainable development sa 1,156 magsasaka at kanilang mga pamilya sa 11 barangays ng San Juan ang: Barbar, Camangaan, Nagsupotan, Nagsabaran, Muraya, Immayos Sur, Guimod Sur at Bacsil, at mga barangay ng Macatcatud, Caraisan at Barbarit sa kalapit bayan ng Magsingal.
Isa pa, maliban sa pagtaas ng prosuksiyon sa agrikultura sa pamamagitan ng karagdagang mga lugar na nasa 319 ektarya at ani na aakyat sa 5.2 metric tons, makakatulong din ito na makontrol ang pagbaha sa pag-ipon ng tubig ulan para magamit bilang irigasyon.
Gayundin ay mapapalakas ang watershed na makargahan ang aquifer o imbakan ng tubig sa lugar na muling magtatatag sa vegetasyon at makatulong na mapahusay ang biodiversity. Nag-umpisa ang implementasyon ng proyekto noong Enero 1, 2010 at natapos noong Nobyembre 30 ng nakaraang taon.
Inaasahan na makaka-ambag ito upang makamit ang programa ng gobyerno na food selfsufficiency. Ang 846 na ektarya ng irrigable area ng proyekto ay magbibigay ng nasa 84,500 metric tons ng palay taon-taon na katumbas ng 1.61 milyon pesos.
Itataas din ng programa ang yield factor sa rehabilitasyon ng kasalukuyang communal irrigation systems, na inorganisa ang mga asosasyon ng mga irrigator at pagyamanin ang kaalaman ng mga magsasaka sa modern at epektibong mga pamamaraan ng pagsasaka at pagpapanatili ng tubig par sa irigasyon.
Sa wakas, ang kagaya nitong proyekto na ekslusibong gagamitin para sa irigasyon ay siguradong magkakaroon ng epekto sa mga lugar sa nayon na magpapabilis ng paglaki ng ekonomiya, makalikha ng mga oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng construction at operation phase, at isulong ang episiyenteng paggamit ng yamang-lupa at tubig.
Ang Barbar SRIP ay nakatakdang isagawa ang inagurasyon nito sa Mayo 6 na dadaluhan ng matataas na opsiyal ng NIA, gayundin ng Ilocos Sur provincial at local government officials, at mga benepisaryo ng proyekto na ipriprisinta ng mga opisyal ng asosasyon ng irrigators.
Siniguro ng matataas na opisyal ng NIA sa pangunguna ni Administrator Ricardo Visaya, na nananatili ang ahensiya sa mandato nito na magbigay ng efficient, reliable, at sustainable irrigation service mga magsasakang Pilipino.
(AMB-PIA IS/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon