Ordinansa laban sa karahasan ng street gang ikinakasa na

LUNGSOD NG BAGUIO – Kamakailan ay nagpila sina Councilor Levy Lloyd Orcales at Betty Lourdes Tabanda ng isang panukalang ordinansa na magbabawal sa pagtatatag/operasyon ng mga street gang sa lungsod at hinihingi na hadlangan ang pagkakasangkot ng mga menor de edad sa karahasan ng gang.
Oras na maisabatas, ang ordinansa ay makikilala bilang “Street Gang Deterrence Ordinance of 2021.” Sa ilalim ng ordinansa, ang pagtatatag o pangunguna ng isang street gang sa lungsod at pagrecruit/paghikayat sa mga menor de edad na makilahok sa anumang karahasan ng street gang ay mapaparusahan.
Ang isang street gang ayon sa ordinansa, ay isang “formal or informal group/organization/assembly [that] acts or agrees to act in concert to engage in delinquent behavior, commit street gang violence, or instigate community disorder.”
Isang City Juvenile Justice and Welfare Task Force ang lilikhain na ang mayor ang siyang chairperson; ang chairperson ng Committee on Youth Welfare and Sports Development ng Sanggunian bilang vice-chairperson; City Social Welfare and Development Officer bilang action officer.
Ang mga miyembro ng task force ay ang presidente ng Federation of Barangay Councils for the Protection of Children at mga kinatawan mula sa Public Order and Safety Division, Baguio City Police Office-Women’s and Children’s Protection Desk (BCPO-WCPD), at City Youth Development Office; at mula sa non-government organizations sa lungsod.
Aatasan ang tadk force na maghanda at magpatupad ng isang comprehensive local juvenile intervention program na isusumite sa Sangguniang Panlungsod para maaprubahan at integrasyon sa annual Local Development Plan for Children.
Ayon sa ordinansa, ang mahuhuling menor de edad ay sasailalim sa intervention programs na ihahanda ng task force na kabilang ang counseling, skills training, seminars on values formation, anger management, at participation sa available community-based activities, at iba pa.
Ang mga hindi na menor de edad na mahuhuli sa pamamagitan ng ordinansang ito ay sasaklawin ng requiements ng due process at magmumulta sa oras na mapatunayang nagkasala na kukumpletuhin ang 120 oras na community service na tatapusin sa loob ng 3 buwan, o magbabayad ng multa na PhP5,000 o pareho sa diskresyon ng korte na walang pagtatangi sa anumang pananagutan para sa paglabag ng alinmang probisyon ng Revised Penal Code, as amended, o iba pang mga batas.
Gagawin ng City Social Welfare and Development Office ang Implementing Rules and Regulations ng ordinansa. Ang panukalang ordinansa ay inirefer sa Committee on Youth Welfare and Sports Development ng Sanggunian matapos maaprubahan ito sa unang pagbasa.
(JGH-SP/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon