Ospital sa Abra umapilang alisin na ang “may-bahid politika na pagpapasara”

DOLORES ABRA– Hinihiling ng mga administrador ng Dr. Petronillo V. Seares Sr., Memorial Hospital sa Abra, ang pinakalumang pribadong ospital sa probinsiya sa mga lider ng probinsiya na alisin na ang “lockdown” sa pasilidad at payagan silang sumama sa laban kontra COVID-19.

Ang ospital na itinatag noong Marso 16, 1974 ay ipinasara noong Hunyo 5, matapos ang isang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Abra na hindi makatarungang isisi sa diumano’y paglabag ng nasabing pasilidad pangkalusugan.

Sinabi ng kinatawan ng ospital na si Dr. Voltaire Seares bagama’t hindi direktang naghihinala na ang matagal ng pagtutunggali sa politika ang maaaring ay nagamit sa laban ng probinsiya kontra COVID-19 na,” we want to believe that the hospitals lockdown is not politically motivated. We want to believe that our current leaders are capable and responsive, willing to listen to constituents, willing to forget political affiliations, especially during this time of crisis, all for the benefit of the Abreños.”

Ang Seares Memorial Hospital ay pag-aari ng pamilya ni dating Mayor ng bayan ng Dolores na si Robert Victor “JR” Seares Jr., na tumakbo laban kay Abra governor Ma. Jocelyn Bernos noong 2019 gubernatorial race.

“The hospital is an essential service and it will be a great disservice to the people of Abra if we won’t help them fight this pandemic.” Inulit niya na, “This is not the time for politics. Our family’s old tradition of wielding the Hippocratic Oath to heal the sick is deep in us and we remain to willingly join the province’s fight against the disease.”

Matapos ang dalawang buwan na walang kaso ng COVID-19 ay naitala ng Abra ang ikaapat na kaso nito noong Hunyo 5, na unang medical frontliner nito ang nahawaan ng nakamamatay na sakit – isang 32 anyos na babaeng nurse (AC4) mula sa Seares Memorial Hospital na nag-udyok kay Gov. Bernos na isailalim ang buong ospital sa lockdown.

Noong Hunyo 11, isa pang medical frontliner – isang 27 anyos na babaeng nurse ng gobyerno (AC5) sa ilalim ng Nurse Deploymetn Program (NDP) ng health department ang nagpositibo. Si “AC5” ay mula sa bayan ng Bucloc ngunit nakatalga sa bayan ng Licuan-Baay. Binisita niya ang kaniyang lola sa Seares Memorial Hospital na nagresulta sa kaniya na nagging isang close contact ni “AC4”.

Subalit ayon kay Dr. Seares, si AC4 ay nananatiling naka-isolate sa kanilang isolation room at sumailalim muli sa round of test na nag-negatibo, dumaraing kung paano ang ospital ay itinuturong pinanggalingan ng impeksiyon sa COVID.

Sinabi ng doktor na, “what is the purpose of total lockdown if there is no mass testing? How come other hospitals all over the world are operating inspite of having patients in their hospitals?” Lumalabas, dagdag niya na ang (Seares Memorial Hospital) ay sinisisi bagaman ipinapakita ng contact tracing na ilang mga kaso na nagpositibo ay bumisita rin sa ibang establisimiyento at mga ospital.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon