P19.9M MARIJUANA BRICKS, NASABAT SA KALINGA

CAMP DANGWA, Benguet

Nasabat ng mga alerting pulisya ang isang drug personality habang binabiyahe ang mga marijuana bricks na may kabuuang halagang P19.9 milyon sa Lubuagan, Kalinga, noong Oktubre 23. Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang magkasanib na anti-illegal drugs operatives ng Kalinga
Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, at Regional Mobile Force Battalion 15 matapos tumakas ang isang indibidwal na sakay ng kanyang sasakyan sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Brarangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Nasakote ng nasabing mga operatiba ang suspek, na kinilalang si Benjamin Fajardo Bauto, sa Barangay Callanan, Tabuk City at narekober sa kanya ang 156 kilo ng marijuana brick at 10 kilo ng vacuumsealed tubes ng dahon at tangkay ng marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na P19,920,000.00 sa loob ng kanygang sasakyan. Dinala ang suspek at mga nakuhang ebidensiya sa Tabuk City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay isasampa laban sa suspek.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon