“P1B ROCKFALL NETTING PROJECTS SA KALINGA, PAGWAWALDAS LAMANG SA KABAN NG BAYUN”

Pinakamainam pa’y si Pres. Bongbong Marcos Jr. na ang mismong makialam sa tinataguriang
pagwawaldas ng P2B pondong inilaan sa rockfall netting projects sa lalawigan ng Kalinga. Maraming nakakabahalang katanungan ang bumabalot sa mga proyektong ito ng Department
of Public Works and Highways (DPWH). Una, ito nga ba ay overpriced upang pagtakpan ang 50/50 “SOP”/ Implementation?

Pangalawa’y, isyu ba ang environmental soundness ng rockfall netting ayon sa nararapat na erosion
intervention sa mga lugar? Pangatlo’y, ayon ba ito sa prioritization ng pamahalaan sa paglalaan ng pondo sa kabila ng mga higit pang mahahalagang proyektong magdudulot ng kapakinabangan ng karamihan sa Kalinga. Nai-intidihan naman ang pagtinging teknikal na mayroong malaking
pakinabang ang rock fall netting kontra sa kapahamakan ng mga motorista tuwing tag-bagyo o
pagyanig na magdudulot ng pagguho.

Ngunit, nananatiling kontrobersiya kung bakit plastic nets ang ginagamit hindi iron coils o mas matibay na nets upang higit na macontrol ang pagguho? Nagpupuyos ang damdamin ng mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Governor James Edduba at Vice Governor Jocel Baac sa
naturang mga rockfall netting projects. Ayon sa dalawa, sampu ng iba pang nagpetisyon sa national
government upang ipatigil ang mga proyekto, ginagamit sana ang P2B pondo sa mga hindi pa
nagawang mga kalsada mula sa baryo at liblib na lugar tungo sa mga kabayanan. Hindi naaayon
ang rockfall netting sa mga karapat-dapat at inaprobahang infrastructure projects ng probinsya, anila.

Kung ganun na lamang ang agam-agam nila Gov. Edduba at VGov. Baac, paano pa ang pagtataka at alinlangan ng mga mamamayan ng Kalinga ukol sa pambubusabos sa P2B para sa proyektong P100M bawat 100 metro? Samantala, habang nalulula ang mamamayan ng Kalinga sa pondo ng rockfall netting sa kanilang pinakamamahal na probinsya, hindi ba sila nabibingi sa katahimikan ng kanilang Congressman na tila laging iwas-pusoy sa mga kontrobersiya sa kanyang sinasakupan?

Amianan Balita Ngayon