SONA AT BAGYO… NAGKASUNOD!

Bihirang nagkakasunod ang mga eksenang malalaki. Pero sa Zona ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong Lunes, July 24, hindi lang mga protesta ang sumabay. Sumunod pa ang napakalakas na bagyong si Egay. Isang Super Typhoon na malaki ang iniwang pinsala sa ating bansa. Pasalamat tayo sa Panginoon at di gaanong marami ang nawalang buhay. Habang sinusulat ang Daplis, nasa China na si Egay. Mantakin mong sa Zona ng ating Pangulong Bongbong….nakisabay ang mga protesta. Sabagay, bago pa man ay naglatag na ang ating otordidad ng mga panuntunan.

Pero may sumablay sa panawagan ang PNP na iwasan sanang magsunog ng IFFIGY. May nagsunog pa rin. Mga iffigy nina Pangulong Bongbong at VP Sarah ang sinunog. Sabagay, nakamulatan na natin ang ganitong eksena kahit pa sa mga naunang mga rehime. Sabi ng ilan…nakakapanghinayang daw kasi mahal ang paggawa nito pero susunugin lang. Sabi naman ng ilan…di bale, may mga nagpopondo naman daw. Sabagay…sa mga eksenang ganito…alam ng marami na
may dahilan kung bakit sila nagproprotesta. Sa pamamagitan ng protesta pininapahayag ang kanilang kahilingan, karaingan at mga suhestiyon sa ating pamahalaan.

Huwag lang silang magamit sa kaguluhan. Sabi ng mga analysts: buti nga sa atin, ganyan lang ang mga eksena. Sa ibang bansa, doon pa lang sa mga debatehan sa kanilang kongreso at gabinete…nagbabalyahan na ng upuan at rambulan na ang kanilang mga mambabatas. Sa atin…malusog ang
demokrasya. Marami ang nangamba sa lakas ng bagyong Egay na umabot pa sa mahigit sa 230kph
ang bugso nito. Ayon sa Pagas, sa lakas na ito, kaya niyang bunutin ang isang malaking punong kahoy, maglipad ng bubong ng bahay na talagang napakadelikado.

Dito na lang sa Baguio City, maraming punong kahoy ang naputol at nabuwal pati na poste ng kuryente. Kaya nga’t medyo matagal na nawala ang kuryente. Bago dumating si Egay…nagkaproblema tayo sa tubig dahil bumaba ang lebel ng tubig sa mga dam. Pero nasolusyonan agad dahil sa bagyo. Kaso, sumobra naman. Buti na lang walang nawasak na dam. Habang bumabanat ang bagyong Egay…itinuloy din ng isang grupo ng mga tsuper at operators ang kanilang tigilpasada.

Bagama’t, ayon sa ulat…di raw gaanong nakaparalisa sa mga commuters…naiparating din nila ang kanilang karaingan lalo na sa isyu ng modernisasyon na hanggang Dec. 2023 na lang daw ang palugit. Sa kabilang dako, habang patungong China si Egay, may parating namang bagong bagyo (LPA) mula Mindanao. Nakaalis naman ang ating Pangulo na nasa Malaysia na habang sinusulat ang espasyong ito. Sumunod naman ang pagtatapos ng deadline sa SIM Registration at pagsisimula ng pag-iisyu ng mga lisensiya (cards) sa mga may sasakyan. Kung ating babalikan ang nilaman ng Zona ng pangulo…marami itong nagampanan sa loob ng kanyang unang taong trabaho bagama’t ayon sa mga hindi kuntento, kulang pa raw.

Sabagay, ika ng mga nakakaunawa….isang taon pa lang niya sa Malakanyang. Hintayin nating maisakatuparan lahat ang kanyang mga pangarap at pangako sa bayan bago natin siya husgahan. Sa ganang amin, hindi magagampanan ang isang administrasyon ang lahat ng gampanin lalo na kung hindi natin ito tutulungan. Kung dito sa Baguio ay may Bangon Palengke…ang ating bansa ay
may BAGONG PILIPINAS! Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon