P20M aid, inilaan sa 6,000 biktima ni Lawin

Sep 18, 2017

LUNA, APAYAO – Nagbigay si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ng P20 milyon para sa emergency livelihood assistance para sa mahigit 6,000 manggagawa sa probinsiya ng Kalinga at Apayao na biktima ng tropical depression “Lawin” noong Oktubre 2016.
Sa isang panayam kay DOLE Cordillera Regional Director Exequiel Guzman ay sinabi niyang ang halaga ay galing sa pondo ng Kalihim na ipinamahagi niya sa dalawang pinakamatinding tinamaan ng hagupit ni “Lawin”, ito ay ayuda bilang short term employment. Hindi regular na pondo ang pera ngunit nasa Kalihim na kung saang special programs niya gagastusin ito kaya minabuti niyang ibigay ito sa dalawang probinsiya ng Cordillera.
“Many of those poor families affected by Lawin hanggang ngayon wala silang natanggap na ayuda (they have not yet received an assistance). So we initiated the project proposal and submitted to Sec. Bello. It was done late last year. The fund was transferred this month and have started working, on going na ito,” pahayag ni Guzman.
Sinabi ni Guzman na mula sa P20 milyon ay tatanggap ang Tabuk City sa Kalinga ng P10 milyon na nasa 3,000 manggagawa ang mabebenipisyuhan sa emergency short term employment program. Nakakuha ang Pasil, Kalinga ng P6 milyon habang ang probinsiya ng Apayao ay P4 milyon na ipinamahagi sa iba’t ibang pinakagrabeng tinamaang LGUs.
“We submitted the proposal in October last year but it took time to profile the beneficiaries, who are the poorest of the poor parents with minor children who live below the poverty line.”
Ipinaliwanag ng director na ang mga local government units (LGU) ang pumili sa mga beneficiaries sa pagpunta sa malalayong lugar at sinigurong lahat ng apektado ay nakalista na bineripika ng DOLE na siya ring magdedetermina sa kuwalipikasyon. Inihanda rin ng mga LGU ang program of work.
Ang tulong ay para sa 30-day work performing work na may public value o nakagiya sa pagpapaunlad ng komunidad sa kabuuan gaya ng de-silting ng waterways, repair ng nasirang public buildings at mga daan kabilang na ang reforestration. Mababayaran ang mga beneficiaries sa kanilang daily wages at nabigyan din ng insurance para sa isang taon.
Binanggit din ni Guzman na maliban sa short term employment, ay mayroon ding long term livelihood assistance program ang departamento sa ilalim ng integrated livelihood program.
Ayon kay Guzman ay may isang assistance sa ilalim ng programa, ang cacao industry sa Kalinga kung saan may 100 miyembrong asosayon na may produktong cacao. Nagbigay ng equipment ang DOLE upang ma-convert ang cacao seeds sa tablea at ang Department of trade and Industry ay tumulong sa packaging at marketing.
Dahil sa tulong, mayroon nang mahigit 100 pormal na trabaho ang nalikha mula sa cacao industry. Ang parehong programa ay ginamit din sa coffee production industry ng rehiyon bilang tulong ng gobyerno sa small industries na nagbigay daan sa pagkakalikha ng ibang livelihood at employment opportunities. LIZA T. AGOOT / ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest