Pag-aalaga ng aso hinihikayat ng pamahalaang panglungsod

Baguio City – Alinsunod sa Executive Order 163 na nilagdaan ng alkalde ng Baguio City na naglalayong magkaroon ng “Rabies-Free City” sa taong 2010. Pinayuhan ng City Veterinary Office na maging responsable sa mga alaga nilang mga aso.
Una ng naiulat ang mula sa City Veterinarian Dr. Brigit Piok ang pag patay o pag euthanized ng mga aso isang linggo matapos itong hindi makuha ng nag mamay-ari.
Ayon sa tagapangasiwa ng Dog Pound, sumasailalim ang pagkitil sa buhay ng mga aso sa tamang proseso na nakasaad sa Animal Welfare Act Guidelines na kung saan ang mga labi ng mga aso ay ililibing sa Department of Agriculture Compound.
Inalmahan ng City Veterinary Office ang aligasyon ng di tuwirang pagkitil sa buhay ng mga aso. Ayon kay Raffy na tagapangasiwa sa mga aso sa Dog Pound, inuuna umanong kitilin ang buhay ng mga asong may malubhang karamdaman upang maiwasan ang paghawa sa ibang aso at ang mga asong masyado ng matanda.
Iginiit nya na hindi lamang mga asong nahuhuli ang may roon sa Pound ngunit pati ang mga isinuko ng mga nag aalaga sa kadahilanang hindi na ito magawang alagaan.
Kadalasang nahuhulian ng mga galang aso ang mga barangay na malayo sa bayan. Ayon sa kanilang listahan, umaabot sa 15 na asong gala ang nahuhuli nila sa isang araw. “Minsang hinahayaan ng mga may ari na mahuli naming ang mga asong hindi na nila kayang alagaan” sabi ni Raffy na tagapangasiwa sa mga aso sa Pound.
Sapat naman ang binibigay na kalinga ng Pound sa mga aso. May ilang mga pribadong ahensya ang patuloy na tumutulong sa pamamagitan ng pagbigay ng dog food at iba pang mga kailangan ng aso sa Pound. Ngunit sa kabila nito, hinihikayat nila ang mamamayan na kung ninanais nilang mag alaga ng aso, mas mabuting umampon nalang sa Pound.
Una ng humihingi ng tulong si Dr. Piok sa mga nag nanais mag alaga ng hayop. Ayon sa kanya amg mga nagnanais kumuha ng aso sa Pound ay nararapat tumuloy sa tamang proseso.
Eunice A. Javillonar/UB Intern
 

Amianan Balita Ngayon