Pagbibigay ng clearance sa mga lote, hihigpitan

Jan 21, 2019

Magiging mas mahigpit ang mga requirements para sa paglalabas ng mga clearance ng lote para sa registration applications upang maiwasan na malagyan ng titulo ng lupa ang mga bahaging road right-of-ways (RROWs).
Sinabi ni Mayor Mauricio Domogan na maliban sa requirement na certification na nagpapatunay na ang lupang nais palagyan ng titulo ay kabilang o nasa labas ng identified city o barangay needs na mula sa City Planning and Development Office, hihilingin din ng lungsod ang isa pang requirement, isang certification na nagpapakita na ang lote ay kabilang o nasa labas ng road right-of-way.
Ang RROW clearance ay magmumula sa City Engineering Office para sa city roads at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) naman para sa national roads.
Sinabi ng mayor na ang naturang proseso ay makakatulong sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na kilalanin ang mga lote na nasa RROWs at hindi kwalipikado na mabigyan ng titulo.
Ito ay resulta ng nakaraang pagpupulong ng City Lands Identification Committee na pinangungunahan ni Mayor Domogan at co-chaired ng council committee on lands chair Councilor Edgar Avila.
Sa naturang pulong, nagkasundo rin ang committee na ituloy ang survey sa lahat ng public lands na kinilalang nasa ilalim ng “city or barangay needs” upang makasiguro sa preserbasyon at proteksyon ng mga ito mula sa mga walang prinsipyo na sumasakop ng lupain.
Nauna nang bumuo ang mayor ng task force na magsasagawa ng final survey ng lahat ng identified lands habang P5milyong pondo naman ang inilaan para sa naturang survey.
“By all means we have to finish the final survey of these lands so we can save them from enterprising individuals and allot them for use of the public,” saad ng mayor.
Napagkasunduan din sa naturang pagpupulong na ang malilit na lupa sa pagitan ng mga tituladong pag-aari at kalsada ay awtomatikong magiging bahagi ng greenbelt area at ikokonsiderang “no-build zones”.
Sa mga lote naman na sakop ng 211 titles, sinabi ng mayor na nananatili ang paninindigan ng committee na hindi na kailangan pang buksan ang mga unvalidated lots para sa revalidation dahil magdudulot lamang ito ng mas maraming problema.
“As we all know, these unvalidated lots have long been made alienable and therefore are now occupied thus making them open for revalidation would pit old and new claimants against one another and would result to conflicts. We would not want that to happen,” sabi ng mayor.
A.P.REFUERZO/ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest