Pagbubukas muli ng hotel, palalakasin ang turismo sa Mountain Province

LUNGSOD NG BAUKO, MT. PROVINCE – Ipinahayag ng mga opisyal ang kanilang pananalig na ang muling pagbubukas ng Mount Data Hotel ay mas palalakasin ang industriya ng turismo sa bayan ng Bauko, at probinsiya ng Mountain Province sa gitna ng pandaigdigang pandemya.
“I am a believer in the contribution of tourism to the economy and with Mt. Data Hotel operating, it will boost Bauko, Mt. Province tourism, job opportunity and foster economic growth,” ani Mayor Abraham Akilit sa isang mensahe.
Sa pamamagitan ng isang kahilingan mula kina Akilit at Congressman Maximo Dalog Jr., ay naglaan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng PhP50 million para sa rehabilitasyon ng makasaysayang pasilidad – itinayo ng Philippine Tourism Authority (PTA) noong 1960s – na naging saksi sa paghahayah sa mga “Igorot” na nagbigay-daan sa paglikha ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Inihayag ni Akilit ang kaniyang pasasalamat sa TIEZA sa pagbibigay ng prayoridad sa proyektong rehabilitasyon na nagsimula noong 2020.
“We commit that the officials and the community will assure the peace and safety in this place. We will help one another for an enjoyable hotel,” ani provincial administrator Jose Tumbali.
Sa kaniyanbg bahagi, umaasa si TIEZA chief operating officer Mark Lapid, na ang muling pagbubukas ng hotel ay magiging simula ng naitataguyod na turismo sa Mountain Province.
Idinagdag niya na mas maraming atraksiyon at istruktura ang idaragdag sa Mt. Data upang maging mas family-oriented ang pasilidad.
“We will put infrastructures for adventure, camping and we hope to make this a haven for bikers which will be part of a loop tourism that covers Benguet, Mountain Province, Ifugao, and Ilocos as well as Region 2,” pahayag ni Lapid.
Sa nasabing aktibidad ay sinabi ni Department of Tourism-Cordillera director Jovita Ganongan, na pinapaganda nila ang mga lumang pasilidad habang pinapaunlad ang mga bagong produkto.
“This is a vibrant hotel and the whole 7.7 hectare… which is very nostalgic and has retained its nostalgia even after its development,” ani Ganongan.
Sinabi niya na makikipagtulungan sila sa hotel ipang masigurado na maliban sa pangkalahatang kagandahan, iaalok din nito sa mga bisita ang isang kumpleto at kasiya-siyanbg karanasan.
(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon