PAGDAGSA NG TURISTA INAASAHAN SA PANAGBENGA FESTIVAL CELEBRATION

BAGUIO CITY

Inaasahan na muling dadagsain ng mga turista ang nalalapit na highlights activities ng Panagbenga Festival, ang grand cultural streetdancing at Flower float parade sa Pebrero 25-26, matapos ang tatlong taon na mabibinbin ito dulot ng pandemya. Sa muling pagbubukas nito, nabuhayan ang city
government,lalong-lalo ang mga negosyante para muling pagangat ng ekonomiya. Maging ang mga turista ay nasasabik sa muling pagbabalik ng makasaysayang festival sa Summer Capital.

Masayang sinalubong ng mga tao ang muling pagbubukas ng Panagbenga 2023 noong Pebrero 1, na may temang “A Renaissance of Wonder and Beauty”, at pormal na ibinahagi ng pamahalaang
lungsod at ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. ang mga aktibidad nito hanggang Marso 5.
Ayon sa datos na ibinahagi ni Executive Committee Anthony De Leon sa Philippine Information
Agency (PIA) sa Kapihan sa Baguio Country Club noong Enero 25, ay na 1.5 hanggang 1.7 milyong katao ang inaasahang bibisita sa Baguio City upang saksihan ang Panagbenga o Baguio Flower
Festival celebration (batay sa accounted data).

Isa sa mga matutunghayan ngayon ng publiko ay ang Market Encounter sa Burnham Park na may iba’t ibang pagkain at produkto mapa lokal man o mapa-internasyonal at ang Professional Landscaping Competition sa Melvin Jones ground. Muli rin matutunghayan ang Session Road in Bloom sa Pebrero 27 hanggang Marso 5, na siyang pagtatapos ng selebrasyon,kasabay ang
fireworks display sa kinagabihan.

Jerico C. Cayabyab/UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon