Pagdinig sa P14 pamasahe sa jeep, dadaluhan ng publiko

Iniimbitahan ng Office of the Department of Transportation-Cordillera (DOTr-CAR) ang publiko upang dumalo sa nakatakdang pagdinig sa Mayo 15, 2018 para sa iminungkahing pagtaas ng P14 pasahe sa jeep sa Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay (BLISTT) area upang direktang magbigay ng kanilang mga isyu at alalahanin bago magdesisyon ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng fare hike.
Sinabi ni DOTr-CAR regional director lawyer Jose Eduardo R. Natividad na ang tungkulin ng LTFRB regional office ay tipunin ang mga resulta ng pagdinig at iba pang kinakailangang dokumentong ihaharap ng mga partido at isumite ang mga ito at ang mga rekomendasyon sa regional office sa LTFRB board para sa masusing deliberasyon at kinakailangang aksiyon.
“We want to listen to the plight of all concerned stakeholders regarding the proposed jeepney fare increase in the BLISTT before we come out with our recommendations to the LTFRB board for further deliberations and appropriate action in the future. The role of the LTFRB regional office is only recommendatory and the decision on the proposed fare increase lies with the LTFRB board,” diin ni Natividad.
Nauna rito, nagpetisyon ang Alliance of Jeepney Operators and Drivers Associations ng BLISTT sa LTFRB upang payagan ang pagtaas ng pasahe para sa mga public utility jeepneys na nagmungkahi ng minimum fare na P14 para sa unang apat na kilometro at karagdagang P2 sa bawat karagdagang kilometro.
Sa kasalukuyan, ang pasahe sa jeep ay P8.50 para sa unang apat na kilometro at P1.40 sa bawat kilometrong tinatakbo.
Inihayag ni Natividad na idodokumento ng ahensiya ang proceedings at kaukulang posisyon ng concerned sectors nang sila ay makagawa ng rekomendasyon na gagawin ng LTFRB board.
Idiniin ni Natividad na ang pagdinig sa lungsod ay magandang daan upang ilabas ng concerned sectors ang kanilang isyu at alalahanin na may kaugnayan sa iminungkahing pagtaas ng pasahe upang ang mga merito ng kanilang mga posisyon ay maibilang ng LTFRB board sa kanilang desisyon.
Binibigyang-diin niya na ang posisyon ng mga operator at driver ng jeep sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng langis at mga spare parts na pinalubha ng lumalalang pagpapatupad sa bansa ay isasaalang-alang ang posisyon ng mananakay na nasa mababang sahod na P300 araw-araw at ang walang kapararakan na pagtaas sa mga pangunahing bilihin bago magkaroon ang LTFRB ng ruling upang mabalanse sa pagitan ng iba’t ibang mga isyu na nakapalibot sa ipinanukalang pagtaas ng pamasahe ng jeep. BAGUIO PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon