Paglalagay ng solar na cable car sa Baguio, pinag-aaralan

Mar 24, 2018

Nag-alok na magsagawa ng feasibility study para sa operasyon ng solar-powered cable cars sa lungsod ng Baguio ang isang lokal na construction company na may kaugnayan sa isang United States-based developer ng solar-powered surface transportation system.
Ayon kay City Information Office Chief Aileen Refuerzo, nakatanggap si Mayor Mauricio Domogan ng unsolicited proposal mula sa Ryanyx Construction and General Sevices, isang local representative ng US-based firm na Transit X LLC, upang magsagawa ng pag-aaral at suriin ang posibilidad ng pagkakaroon ng “high-capacity solar-powered automated elevated pod networks” sa lungsod.
Ang proposal ay ginawa ng presidente ng kompanya at Chief Executive Officer Rufino Barinan, ayon kay Refuerzo.
Aniya, inatasan ng alkalde ang city legal office upang gumawa ng draft ng memorandum of agreement sa proposal.
Ani Refuerzo na tinatanggap ni Domogan ang proposal, na maaaring ialok para masolusyunan ang problema sa trapiko at air pollution ng lungsod.
Base sa proposal, ang pag-aaral ay gagawin nang walang gagastusin ang lungsod, ani Refuerzo.
Isasama sa aktibidad ng lokal na kompanya ang pagkilala sa mga angkop na lugar para sa alternatibong transport system at ang madaling pagkuha ng right-of-way at air rights.
Sakop sa pag-aaral ang environmental impact assessment ng proyekto, gayundin ang epekto sa livelihood ng public utility vehicle operators ng lungsod.
Inilarawan sa proposal ng Transit X transport system bilang “a suspended, ultra-narrow gauge rail network with ultralight pod vehicles and a 100-percent automated network that is high capacity and provides a non-stop single-set travel from origin to destination on an exclusive right-of-way”.
“The pods, each carrying between one and five people, quietly cruise above traffic suspended from a track and destinations are specified prior to boarding through mobile phone of Transit X kiosks,” ayon sa proposal.
“It is a fully automated transportation network with high-capacity interchanges that provide fast, congestion-free travel and has a minimal footprint on roads or sidewalks, often less area than streetlights and bus shelters,” saad pa nito.
Ani Refuerzo, ang parehong cable car proposal ay natanggap ng lungsod mula sa isang Swiss company maraming taon na ang nakalipas. Ang naunang proposal ay dapat na isasama sa development ng Camp John Hay, kasama ang cable system na tatakbo mula sa pasilidad patungong Mt. Sto. Tomas pababa ng Poro Point sa San Fernando, La Union. Subalit, ang plano ay nawalan ng bisa matapos ang economic recession na tumama sa maraming Asian countries noon. LAGOOT, PNA / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest