Pagtaas ng teen pregnancy sa lungsod, iniulat

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Health Services Office (HSO) population division ang pagtaas ng teenage pregnancies sa Summer Capital ng bansa mula 545 kaso noong 2017 sa 623 noong nakaraang taon.
Sinabi ni Population Development Officer Rowena Rabanes na ang datos ay nagmula sa mga bilang na ibinigay ng 16 na health centers sa lungosd sa ilalim ng field health services information system ng HSO.
Ipinaliwanag niya na ang teenage pregnancy o tinatawag din bilang adolescent pregnancy ay nangyayari kung ang babaeng nabuntis ay mababa sa 20 taon ang edad.
“Pregnant teenagers face many risks like low birth weight of the child, premature labor, anemia and pre-eclampsia, all connected to their biological age,” babala ni Rabanes.
Ibinunyag ni Rabanes na kabilang sa mga posibleng kadahilanan sa teenage pregnancy ay ang risky behavior, maling parental guidance o absentee parents, tumataas na exposure sa social media at limited access sa tamang information and services.
Sinabi ni Rabanes na ang maagang pagbubuntis ay magdadala sa dalagang ina na matigil sa pag-aaral, sumailalim sa aborsiyon, makakuha ng sexually transmitted na sakit, mahinang nutrisyon,
mas malaking tsansa ng infant o maternal mortality at magdusa sa depresyon.
Sinabi niya na ang population division ng HSO ay may ilang libreng programa kabilang ang isang Adolescent and Youth Health and Development Program (AYHDP) na layong mahadlangan ang mga nagdadalaga na magkaroon ng maaga at paulit-ulit na pagdadalangtao.
Dagdag pa ni Rabanes na ilang istratehiya ang kasalukuyang ginagawa upang masiguro na naabot sila sa pamamagitan ng information at education activities na makakatulong iwasan ang
maagang pakikipagtalik gaya ng pagsasagawa ng peer education, adolescent reproductive health seminars, teen trail training, film viewing on adolescent issues, young mom’s activity, at marami pang iba.
“It has been recognized that adolescence is a critical period in human development in the transitional stage of life between childhood and adulthood where many change occur. It is
characterized by rapid growth and development in the biological, social and emotional dimensions of the adolescent,” aniya.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring bumisita sa Health Services Office-Population Development Office sa T. Alonzo o tumawag sa telepono 442-4542 at 442-9829 o mag-email
[email protected].
 
PIO-GBK/ABN

Amianan Balita Ngayon