Palarong panglunsod sasabay sa Panagbenga, PMA homecoming

LUNGSOD NG BAGUIO – Tatlong mahahalagang aktibidad ang magkakasabay na itatanghal sa isang araw sa kalagitnaan ng Pebrero. Ang Panagbenga ay gaganapin ang ilan sa pamgunahing aktibidad nito sa Pebrero 16 na sasabay sa huling araw ng Philippine Military Academy (PMA) homecoming at paguumpisa ng Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet.

Ang pinakatampok na panahon ng Panagbenga kung saan ang isa sa tradisyunal na aktibidad nito ay nakalinya sa Melvin Jones Football Field, ang Let a Thousand Flower Bloom na isang buong araw na aktibidad.

Nakalinya rin sa parehong lugar ay ang “Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio,” isang aktibidad para sa mga pamilya na isa ring buong araw gayundin ang “Panagbenga Open Kite Flying”, ang “Panagbenga Cultural Show” at ang fireworks display, isa sa ialng aktibidad sa isang buong-buwan na kasiyahan.

Gagawin din ng PMA ang pagtatapos ng taunang alumni homecoming na mag-uumpisa sa Pebrero 14. Dati-rati ay nakikipagbuno ang Pangbenga sa PMA alumni homecoming kung saan daandaang alumni mula sa military academy ang umaakyat dala ang kanilang mga sasakyan habang ang street ay float parade ay isinasagawa na nagdudulot ng matinding sikip ng trapiko.

Ang pagkakataong ito ay nag-udyok sa mga festival organizers na ilipat ang mga pangunahing aktibidad ng Panagbenga sa ibang araw.

At ito ay umpisa rin ng CARAA kung saan mahigit 7,000 atleta at delegado mula sa anim na probinsiya at dalawang lungsod sa rehiyon ang magpapaligsahan.

Mag-uumpisa ito sa isang parade sa mga pangunahing kalsada – Session ant Harrisom Road – papunta sa athletic bowl kung saan gaganapin ang pagbubukas na seremonya kabilang ang pagsisindi ng sulo ng South East Asian Games (SEAG) medalists.

Muling nakatakdang host ng CARAA ang Baguio kasunod ng pa-atras ng Apayao dulot ng mga sakuna sa huling bahagi ng 2019 sa nasabing probinsiya.

Nauna dito ay idinulog ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang isyu sa Department of Education – Cordillera bilang emergency host ay napilitang naghukay ang lungsod sa kaban nito upang maging punong-abala sa taunang sports competition na pumipili sa mga kinatawan ng rehiyon sa Palarong Pambansa.

Gumawa ang Baguio division ng DepEd ng isang badyet na PhP8.4 milyon para sa palrao na magtatapos sa Pebrero 21, karamihan dito ay papasaninng lungsod, na nag-udyok kay Magalong na hindi na gagawin ito ng Baguio sa hinaharap na maging host kung walang sasalo.

Hiniling ng DepEd ang PhP15 milyon na badyet ngunit binawasan ito at ginawang PhP10 milyon at ang pinal na PhP8.4 milyon ay ipinadala sa DepEd-Baguio.

Sa isang press release ay sinabi ng Public Information Office na: “The city government also informed city education officials that it is no longer interested to host the conduct of the CARAA in the next two years as city officials do not want the city being declared as a host by virtue of default, aside from the fact that there are priority programs, projects, and activities where the present administration intends to use the available resources of the city.”

Naging host ang Baguio sa palaro sa tatlong magkakasunod na taon mula 2015 hanggang 2017, naging punong-abala ang Abra at Apayao sa 2018 at 2019 ayon sa pagkakasunod.

Nauna ng ipinahayag ng DepEd-Cordillera na naghahanap sila ng “bidders” na mag-host ng annual regional sports competition para sa 2021, at 2022.

PML-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon