Patuloy na pag-ulan sa Cordillera, inaasahan

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa lungsod na ang kalat-kalat na pag-ulan at maulap na kalangitan ay maaaring magtagal hanggang Agosto 19, 2018.
Sa panayam kay Engr. Aljon Tamondong, weather observer ng Pagasa, noong Agosto 15 ay iniulat nito na patuloy pa ring makakaranas ang rehiyon ng Cordillera ng kalat-kalat na pag-ulan at bahagyang malakas na pagbugso ng hangin, dulot ng habagat na lalong pinapalakas ng tropical storm  na nasa may bahagi ng West Philippine Sea.
Inaasahan din ang bahagyang pagsilip ng araw sa kabila ng pag-ulan sa mga susunod na araw.
Pinapayuhan ni Tamondong ang publiko na laging magdala ng panangga sa ulan at manatiling handa upang maiwasan ang sakuna lalo na sa mga nakatira sa bundok at sa mga landslide prone areas dahil sa paglambot ng lupa na sanhi ng tuloy-tuloy na pag-ulan pati na rin ang patuloy na pagbubukas ng mga dam na maaring magdudulot ng pagbaha sa karatig na rehiyon ng Cordillera.
Sa pag-alis ni bagyong Karding ay panibagong binabantayan ng Pagasa ang namumuong low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging isang bagyo. Siyam na bagyo pa ang inaasahang papasok sa PAR bago magtapos ang taon. DOROTHY M. REGINO, UC Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon