“PAYABONGIN LALO ANG MAYAMANG KULTURA SA BENGUET”

Lubhang napahiya ang mga kritiko ng kaunaunahang mambabatas ng Benguet province na dayo sa
lugar na si —Rep. Eric Go Yap— nang mismong pangunahan nito ang kauna-unahang “Kankanaey festival” sa bayan ng Kibungan. Iwinawasiwas noon ng mga katunggali niya na yuyurakan at babaguhin ni Rep. Yap ang kinagisnang kultura sa Benguet sa kanyang panunungkulan.

Ngunit malaking pagkakamali ng mga kritiko at katunggali ng mambabatas dahil lalo pa itong nanguna sa pagpapayabong at pag-aaruga sa kultura, mga tradisyon, katutubong kaalaman at kakayahan, ng mga katutubong Kankanaey na nahaharap sa hamon ng makabagong panahon, gaya ng iba pang katutubong kultura sa probinsya, Cordillera, buong bansa at pati buong mundo.

“Adopted son” nga lang si Rep. Yap ng Benguet, ngunit bago pa ito mahalal bilang regular na mambabatas mula sa pagiging caretaker congressman nang mamayapa si Rep. Nestor Fongwan,
nakitaan ng sya ng walang imbot na paglilingkod sa mga mamamayan, lalo na ang mga salat sa buhay. Sinusuong ni Rep. Yap ang kasulo-sulokan mga bulubunduking bahagi ng probinsya, na mismong mga naging mambabatas na natibo mismo ng Benguet, ay hindi makarating at makipagdaupang palad man lang upang pakinggan ang kanilang mga hiling, hinaing at kalagayan sa mga komunidad.

Nangako rin ang mambabatas ng Benguet na hindi na lamang ang kulturang Kankanaey ang nanaising higit pang pagyamanin kundi pati na rin ang mga Kalanguya ng Benguet at marahil sa lalong madaling panahon ay mga Karao na rin. Ipinapangako rin ni Rep. Yap na buong pusong
makikipagtulungan upang pasiglahin lalo ang naunang festival ng mga katutubong Ibaloy sa Baguio City, kahit hindi na ito sakop ng Benguet, sapagkat malaking bahagi din ng mga naninirahan sa Benguet ay mga Ibaloy.

Mamamayan ng Benguet na ang nagkakaisang humusga sa paglilingkod ni Rep. Yap, na noong una’y nakutya ngunit hanggang sa bandang huli’y nagpamalas ng tunay na paglilingkod sa mamamayan sa loob o labas man ng Kongreso.

Amianan Balita Ngayon