PhilMech nagbigay ng P315-M machinery sa mga magsasaka ng Pangasinan

LUNGSOD NG BAGUIO – Namahagi ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ng mga farm machinery na nagkakahalaga ng PHP315 milyon sa ilalim ng mechanization program ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung saan mabibiyayaan ang 142 kuwalipikadong kooperatiba ng magsasaka at mga asosasyon (FCAs) sa probinsiya.
Sa isang pahayag noong Martes (Disyembre 14), sinabi ng Department of Agriculture (DA) na 238 units ng machinery kabilang ang four wheel drive tractors, rice combine harvesters, hand tractors, power take-off driven disc plows/harrows, riding-type transplanters, walk behind transplanters, at iba pa ang ibinahagi.
Ang mga benepisaryo ay mula sa mga bayan ng Agno, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta, Mabini, Sual, Aguilar, Basista, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Bayambang, Calasiao, Malasiqui, Mapandan, Sta. Barbara, Manaoag, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, Sison, Villasis, Asingan, Balungao, Natividad, Rosales, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Sta Maria, Tayug, and Umingan; at mga lungsod ng Alaminos, San Carlos, at Urdaneta.
Ang mga makinaryang ipinamahagi ay binili sa ilalim ng pondo ng 2021 at ang sobrang pondo ng 2019 at 2020 ay resulta ng competitive biddings.
Siniguro ni PHilMech director Ronaldo Sebastian Reyes sa mga magsasaka na ang mga makinarya ay bagp at pinakahuling modelo. Sa kaniyang talumpati sa turnpover ceremony noong Lunes, Disyembre 13, ay pinasalamatan ni Governor Amado Espino III si Pangulong Rodrigo Duterte at ang DA para sa mga programa gaya ng RCEF na mabebenipisyuhan ang mga magsasaka sa probinsiya.
“Through this program, the needs of the farmers are met,” aniya. Ang pamamahagi ng mga makinarya ay layong itaas ang ani at kita ng mga magsasaka sa paggamit ng tamang farm mechanization technologies at equipment mula sa pagtatanim at pag-ani.
Ipinatupad ang pambansang gobyerno ang RCEF upang magbvigay ng tulong sa mga magsasaka bilang kabayaran sa tinantiyang lugi sa pagsasaka bunga ng rice tariffication.
Mula ng maipatupad ang proyekto noong 2019, nasa PhP940 milyon halaga ng farm machinery at equipment ay naibigay sa Pangasinan, ayon sa the Provincial Information Office.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon