PhP200M command center ng lungsod aprubado “in principle”

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang PhP200 milyon pondo para sa pagtatatag ng isang integrated command center sa lungsod ay inaprubahan na “in principle.”

Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na sa pag-uusap nila ni Senator Bong Go noong nakaraang linggo ay sinigurado ng senador ang pag-apruba sa pagpopondo at nangakong personal niya itong ipa-follow up kay Pangulong Duterte.

Nangako ang Pangulo noong Hunyo na tutulungan ang lungsod na mag-set up ng command center na tutugon sa sari-saring isyu sa kapayapaan at kaayusan, pagresponde sa mga sakuna at pamamahala sa trapiko sa lungsod.

Sa pag-upo ni Magalong bilang punong ehekutibo ng lungsod ay nagsumite siya sa Department of Inetrior and Local Government (DILG) ng plans and specifications ng proyekto para sa proseso ng pagpopondo.

Inisyal na itatatag ang integrated command center sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) building na isasama sa kasalukuyang opearsyon ng closedcircuit television (CCTV) project ng pamahalaang lungsod.

Nakaplano itong magkakaroon ng state-of-the-art equipment at gadgets na nakatutol sa pagtugon sa disaster risk reduction, peace and order at traffic management.

Isasagawa ang proyekto na may koordinasyon sa DILG, sa Office of the President at sa Department of Information and Communication Technology (DICT).

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon