Sa napakarami nating mga problema sa kasalukuyan…sabi ng mga eksperto: dapat magpakatatag
tayo. Habang sinusulat kasi ang espasyong ito…nasa Pilipinas pa ang presidente ng Indonesia at nagpupulong pa sila ni Pres. Bongbong Marcos Jr. Ano man ang mapagkakaisahan ng dalawang lider…tiyak na para ikatatag ng ating relasyon sa kanila sa lahat ng aspeto ng kabuhayan. Sana mapag-usapan nila ang hinggil sa problema sa WPS at ang pambubully ng China.
Kung inyong maalaala…matapos ang eleksiyon at pinaupo natin si Pangulo si Pres. Bongbong Jr., siya mismo ang nagbulontaryong hahawak muna sa papel ng Sekretaryo ng Agrikultura. Bakit? Kasi nakita niyang maraming problema sa agrikultura. Sa kalaunan, pumili na siya ng kanyang kapalit bilang sekretaryo ng agraryo sa katauhan ni Sec. Francisco Tiu Laurel.
Tutok ngayon si Laurel sa nagaganap na problema ng mga magsasaka kung saan, maraming ani ang nabubulok, nasasayang, itinatapon, ipinamimigay o kaya’y bagsak presyo na lamang. Harinawang maging epektibo ang aksiyon ni Sec. Laurel para naman hindi kaawa-awa ang mga magsasaka na matagal nang nahihirapan dahil sa walang patlang na pagpasok ng mga smuggled
agricultural products sa ating bansa.
Konkretong halimbawa ang sinapit ng mga magsasaka ng gulay sa Cordillera. Halos wala na silang
kinita dahil sa pagbaha ng mga smuggled na gulay sa merkado. Dahil mas mura ang smuggled, yun ang binibili upang makatipid. Kawawa ang mga magsasaka ng gulay. Sa Bicol, ipinamimigay na rin ng mga magsasaka ang kanilang aning gulay. Epekto rin ng pagdagsa sa bansa ng mga smuggled na
gulay. Sa parteng Ilocos (Santa Catalina) somobra rin ang kanilang aning repolyo.
Lahat ng magsasaka ay may karapatang mamili ng kanilang itatanim. Subali’t sa dami ng kanilang ani at nasabayan pa ng smuggled na mga gulay, umapaw ang supply. Hanggang sa nabubulok na
lang. Marami pang mabibigat na problemang binabalikat ang administrasyong Marcos. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na di pa rin tapos ang isyu hinggil sa modernisasyon ng PUVs. Umabot na sa Korte Suprema ang usapin.
Kung ano man ang lalabas na resolusyon, maaring ito na ang pinal na hakbang hinggil sa programa ng modernisasyon. Matagalna panahon na hindi naiimplementa ang programang ito. Laging
naeextend ang deadline. Ngayong, pursigido pursigido ang pangulo na tapusin na ang problema.
Diumano ay may isang exarmy General na nagdadawit kay PNP Chief Acorda Jr at AFP Chief Romeo Brawner Jr. sa isyu na may kinalaman daw sila sa destabilisasyon laban kay Pangulong Bongbong Jr.
Sa puntong ito, kinasuhan ni PNP Chief Acorda si dating Army General Johnny Macaranas sa
pagpapakalat ng pekeng balita at kasiraan ng AFP at PNP. Idinadawit din si dating Pangulong Rodrigo Duterte at nagsabing wala siyang kinalaman sa pagtutulak ng destabilisasyon. Ayon sa dating pangulo, may respeto siya kay Pres. Bongbong at walang dalihan upang sirain ang kanyang ginagawang programa para sa bayan.
Noong panahon ni late Pres. Ferdinand Marcos…nasimulan na ang programang “farm to market”
road. Malaking tulong ito sa mga magsasaka lalo na sa mga malalayong lugal sa probinsiya. Itinuloy-tuloy ni Pres. Bongbong Jr. ang programa. Katunayan, ayon sa ulat na matapos ang isa’t kalahating taong panunungkulan ng pangulong BBM, tapos na ang 51% ng mga Farm-to-Market
Road Network Program. At dahil sa direksiyong tinatahak ngayon ng administrasyong Marcos…masasabi nating may pag-usad ang bansa . Sa mga di kuntento, ibahin na lang ang ratsada. Adios mi amor, ciao, mabalos.
January 13, 2024
January 13, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 21, 2024