Pinakamatamis at malaking strawberry, napili sa LT

LA TRINIDAD, BENGUET – Umabot sa 26 na kalahok ang nagpaligsahan sa Search for the Biggest and Sweetest Strawberry na ginanap sa La Trinidad Municipal Park noong Marso 13, 2018.
Ayon kay Senior Agriculturist Nida D. Organo layunin ng aktibidad na makilala ang La Trinidad na Strawberry Capital of the North.
Labing pitong strawberry farmers mula sa iba’t ibang barangay ng La Trinidad ang lumahok sa kategorya sa pinakamatamis na strawberry. Nanguna si Danny Butilen sa puntos na 9.76. Pumangalawa naman si Jonny Sagibal na may 9.70 puntos at pangatlo si Mencio Lab-isa sa 9.46 na puntos.
Ayon kay Organo gumamit sila ng aparato para malaman ang sugar level ng strawberry at ang may pinakamataas na level ng sugar content ay siya ang panalo.
Ayon kay Butilen, “Nasa pag-aalaga ang sekreto para lumago at magbunga nang maayos ang strawberry.”
Sa kategoryang pinakamalaking strawberry ay siyam ang lumahok. Ang nakasungkit ng first place ay si Efren Akelio na ang kanyang strawberry ay may timbang na 365g.
Pumangalawa naman si Juna Dicang 335g na strawberry at pangatlo si Rustan Eulogio na ang kanyang strawberry ay may timbang na 330g. MARK PAUL K. PERALTA, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon