Matapos ang ikatlong pagbasa sa konseho kaugnay sa paggamit at pagbebenta ng plastic bag at styrofoam sa lungsod ay tahasang inaprobahan na ito sa konseho at naka-dub bilang “The Plastic and Styrofoam-Free Baguio Ordinance,” Ordinance No. 35 Series of 2017 na saklaw ang lahat ng mga gawain sa negosyo at establishments, kabilang ang mga paaralan, pamahalaang lungsod at mga tanggapan.
Ang panukala ay nagbabawal sa mga business establishments mula sa pagbibigay sa mga kostumer ng anumang plastic bag o polystyrene foam container para paglagyan ng anumang makakain o inumin maging dine in o take out man ito.
Pinaalalahanan ang lahat ng mga establishment na may mga options na dapat gamitin tulad ng paper bag o reusable bags, mga lalagyan na gawa sa papel na libre o ibinibenta at mga material na kung saan ay biodegradable upang may paglagyan ng mga items ang mga kostumer.
Gayunpaman ay hindi nagbabawal sa mga kostumer ang gumamit ng anumang bag o iba pang uri na bag kung ito ay kanilang dala para paglagyan ng kanilang pinamili, huwag lamang manggaling ang mga plastic bag sa pinagbilhan nito dahil ito ay ipinagbabawal sa isinasaad ng ordinansa.
Sa lahat ng business establishments ay maglalagay ng mga karatula na may nakasaad na “Bawal ang Paggamit ng Plastic Bag at Styrofoam” na mabibigyan ng isang taon para sumunod sa ordinansa.
Bilang bahagi ng mga probisyon nito, ang sukatan ng utos sa lahat ng pamahalaang lungsod ng mga paaralan at mga tanggapan na mapanatili ang isang patakaran na “No Plastic Bag No Styrofoam” sa kanilang opisina at paaralan, kabilang na ang mga event o pagdiriwang na inisponsoran ng pamahalaan.
Nauna nang iminungkahi ang panukala na ito noong nakaraang taon nila Councilors Elaine Sembrano at Mylen Yaranon na isinasaad ng bagong ordinansa na i-upgrade ng Ordinance No. 26 series of 2007 o ang Baguio City Paper Bag Ordinance na nag-uutos sa paggamit ng mga bag na papel at iba pang biodegradable na gamit.
“It is in the best interest of the health, safety and welfare of the residents that this regulation include the imposition of penalty to discourage the use of plastic bags and polystyrene foam containers also known as Styrofoam, reduce the cost of solid waste disposal by the city, protect the environment and recover the cost in promoting the use of recyclable paper bags and reusable bags in the City of Baguio.” Paliwanag ni Sembrano.
Kailangan pangunahan gawin ito ng Information-Education Communication (IEC) at upang mapanatili at masubaybayan ang pagpapatupad ng ordinansa ay lumikha ng isang technical working group na tatayo bilang chair si Mayor Mauricio G. Domogan sa mga konseho, sa komite naman ng kalusugan ay si Vice Mayor Edison Bilog at ang City Environment and Parks Management Office naman ang action officer.
Parusa para sa paglabag ay ang mahigpit na pangangaral o agarang pagsasara para sa establishments na walang business permit para sa unang pagkakasala; P1,000 multa para sa pangalawang pagkakasala; P3,000 multa at walong oras ng komunidad na serbisyo sa third offense at sa ikaapat na pagkakasala ay P5,000 multa at suspensyon ng business permit nang anim na buwan.
Ang panukalang-batas ay nagbibigay din ng parangal at pagkilala para sa mga taong aalalay sa pagsunod.
Ang panukalang-batas ay kamay-akda ang mga Konsehal na sina Faustino Olowan, Leandro Yangot Jr., Edgar Avila, Joel Alangsab, Elmer Datuin, Peter Fianza, Lilia Farinas, Arthur Allad-iw, Benny Bomogao at Michael Lawana sa pangunguna ni Vice-Mayor Bilog. ABN
April 29, 2017
April 29, 2017
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024