Sa ilang araw lang na dumaan..sala-salabat na mga problema-nasyonal ang ating naranasan. Nariyan ang patuloy na iringan sa West Phil. Sea dahil sa patuloy na pambubully ng China. Ang
pinakahuli ay ang muntikmuntikang nagkasagian ang barko ng PCG-China at PCGPilipinas. Ilang metro lang ang pagitan ng dalawang barko at talagang magsasagian na. Ngunit hindi nagpatinag ang ating Coast Guard. Iginiit nila ang karapatan sa lugal.
Susmaryusep! Kung nagkatamaan kaya ang dalawang barko, ano ang mangyayari? Kung may kumati kaya ang daliri at kinalabit ang kanilang mga armas…ano kaya ang susunod na eksena? Tiyak na magkakapulbusan na di ba? Buti na lamang at di ito nangyari. Binibigyan pa rin tayo ng tsansa para sa diplomatikong paraan para masolusyonan ang usapin. Taanong: hanggang kailan?
Ang isa pang problema na ating nasingkaw ay ang nalalapit na eleksiyon pambarangay at SK. Maganda ang balitang may mga tumakbong punong-barangay na un-opposed o walang kalaban.
Ibig sabihin, maganda o malinis ang kanilang record sa paninilbihan. May mga balita ring may mga
barangay na walang tumakbo sa pagka-SKChairman. Ibig bang sabihin na nawawalan na nang
ganang manilbihan sa barangay ang ilang kabataan? Nasaan na ang pag-asa? Isa pang problema ng Comelec ay ang isyu ng illegal na pangangampanya. Kaya nga’t pinababaklas na nila ang lahat ng campaign material dahil sa Oktubre 19 pa ang simula ng kampanyahang legal. Sana ay maging malinis at mapayapa ang darating na election….dalangin ng marami.
Ang nakakabahala, pards…malayo pa ang election…sala-salabat na ang mga kuwento ng preparasyon ng mga kakandidato. Isa sa mga matitinding problema ay sa sector ng agrikultura. Ito ang nagtulak kung bakit nagkaroon tayo ng Rice Price Cap na iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang tapik naman ng gobyerno: pansamantala lamang ito. Namroblema ang mga retailers dahil lugi raw sila. Kaya nga’t may ayudang P15K kada maliliit na retailer ng bigas. Pero maraming kilay ang tumaas.
Di ba dapat kilalanin ang mga hoarders na nagtatago ng bigas upang kastiguhin? At suportahan
ang mga magsasaka? Sabi nga ni Sen. Bong Go, dapat pansinin ng gobyerno at bigyan ng suporta ang mga maliliit na magsasaka dahil sila ang haligi ng ekonomya ng bansa at may mahalagang papel sa pagpapanatili ng food security ng bansa. May punto ang senador dahil kung sapat ang suporta ng pamahalaan sa ating mga magsasaka, tiyak na hindi na tayo aangkat pa ng bigas mula sa ibayong dagat, di ba?
Bulong: pakisilip na rin dapat ang kalagayan ng ating maliliit na mangingisda na ginigipit naman ng China sa laot. Kamakailan, nagdaos ng kaarawan ang yumaong Pres. Ferdinand Marcos Sr. (Sept. 11). Binigyang halaga ni Pres. Bongbong Marcos ang kahalagaan ng mga iniwang legasya ng ama hinggil sa isyu ng agrikultra sa bansa at pagiging Ilokano Icon. Sa temang ito…nang nagdaos din ng ika-66 na kaarawan si Pangulong Bongbong noong Sept. 13…malusog na agrikultura ng bansa ang kanyang “wish” o pangarap na tapusin.
Walang sasalungat dito dahil sa malusog na agrikultura, tiyak na lalakas ang ating ekonomy. Hindi lang sa isyu ng bigas kundi lahat ng produktong-agrikultural ay dapat isama upang sa darating na panahon ay di na tayo aasa pa sa importasyon na kung saan pinapasok ng korapsiyon. Masakit na malaman na maydaplis ang sinabi kamakailan ng isanng sangay ng gobyerno na….may mga corrupt officials ang namamayagpag dahil para sa kanila ay isang “fashion” na nila ito. Batobato sa langit!
Adios mi amor, ciao, mabalos.
September 17, 2023
September 17, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024