Public consultation sa tatlong mungkahing ordinansa sa Sept. 25

LUNGSOD NG BAGUIO – Tatlong mungkahing panukala ng konseho ng lungsod ang nakatakdang pag-usapan at iharap sa publiko sa Setyembre 25, 8am hanggang 12noon sa Multipurpose Hall ng Baguio City Hall.
Isang tatalakayin sa public consultation ang iminumungkahing ordinansa, “Allowing for the Installation of Mandatory Pedestrian, Brisk-Walking and Bicycle Lane in all Feasible Roads in the City of Baguio” na iniakda ni Councilor Lilia Farinas ay naglalayon na itaguyod ang pedestrianism at paggamit ng mga non-motorized modes ng transportasyon upang tugunan ang air pollution at traffic congestion sa lungsod at upang ipromote ang mas maayos na kalusugan ng mga residente at mga bisita.
Sa nasabing panukala, hiniling ni Farinas ang paglalagay ng pedestrian, brisk walking o bicycle lane sa pamamagitan ng pagpipintura o anumang praktikal na paraan sa feasible roads kabilang ang mga nasasakupan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pedestrian at bicycle lane ay hihilera sa kanang bahagi ng kalsada o kalye na may makikitang 4-inch na white and yellow, diagonally stripe line, napinturahan ng standard road paint at masusukat mula sa right-most side ng kalsada humigit-kumulang isang metro ayon sa minimum ergonomic at anthropometric standards gaya ng maipapayo ng City Engineering Office at ng DPWH, pati na rin ang ratio at proportion ng buong lawak ng kalye o kalsada, na ibig sabihin kapag makitid ang kalsada ay makitid din ang lanes.
Isa pang mungkahing ordinansa na iniakda ni Councilor Faustino Olowan na naglalayong magbigay ng policies at guidelines sa pagdidisplay ng signs, signboards at advertising materials sa lungsod ay naglalayong mapawalang-bisa ang Ordinance No. 111, series of 1949 na nangangasiwa sa pagdidisplay o pagtatayo ng mga signs, signboards at bulletin boards sa lungsod, mungkahing permit fees at pagbibigay ng ibang layunin at Ordinance No. 302, series of 1958.
Tulad ng panukala, ang mga aplikante sa permit ay kinakailangang makakuha ng clearance o authorization mula sa concerned barangay kung saan ilalagay ang billboard, signs o signboards; magsusumite ng written request na naka-address sa Office of the City Mayor, at iye-endorso sa City Planning and Development Office o sa DPWH kung kinakailangan; kumpletuhin ang mga kinakailangang requirements bilang karagdagang inilatag sa ilalim ng umiiral na rules and regulations; kumuha ng clearance; bayaran ang mga kinakailangang fees at kumuha ng permit mula sa City Building and Architecture Office (CBAO).
Ang mga palatandaan at istraktura ng karatula ay maaaring itayo lamang sa mga lugar kung saan pinahihintulutan sila ng mga regulasyon ng zoning; walang mga istraktura ng karatula o signboard na dapat ilagay o itayo sa mga parke at palaruan, sa tabi ng mga power substation o tirahan, institusyonal at recreation zones; ang mga palatandaan ay magpapakita lamang ng mga mensahe o visual na sumusunod sa public decency o good taste; ang mga palatandaan ay dapat ilagay sa paraang hindi dapat malito o mapigil ang pagtingin o pagpapakahulugan ng anumang public sign, traffic sign o devise, o hindi makaharang sa paningin, makaakit o makasira ng atensyon ng mga motorista, reflect blinding light o maging sanhi ng liwanag sa dumarating na trapiko; ang mga materyales sa advertising na binubuo ng tarpaulins ay maaaring pahintulutan, sa kondisyon na ang mga may-ari ay magpapatrabaho sa isang crew upang alisin o ibaba ang mga tarpaulin kung sakaling magkakaroon ng typhoon bulletin; ang mga tarpaulins at reinforced fabric advertising signs pahihintulutan lamang na idisplay ng maximum 2 weeks, maliban kung ito ay pinalawig sa pamamagitan ng pag-apruba ng alkalde, kabilang ang pagbabayad ng angkop na fees at walang mga palatandaan, signboard o bulletin board, ang ipapako, bolted o ilalagay sa anumang bahagi ng isang puno, tulad ng itinakda sa Ordinance No. 005, series of 1990 na amended ng Ordinance No. 006, series of 2012.
Ang iba pang panukalang nakatakda para sa masusing usapan ay ang pagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng roof gardens ng gusali bilang refreshment parlor, bar, night club, restaurant, floor o stage show at iba pang pampublikong gamit at ang mga pagsasagawa ng parties at social gatherings na dapat sumunod sa iba’t ibang requirements.
Ayon kay proponent Councilor Leandor Yangot Jr., ang mga nasabing requirements ay kabilang ang probisyon ng sapat na fire escapes o hagdan; reinforcement ng outer walls na may concrete hollow blocks na may limang talampakan ang taas at may one fourth inch na wire mesh, may tatlong talampakang taas sa ibabaw ng naturang pader.
Kung ang mga gilid ng gusali ay nakaharap sa kalsada o open court, ang lapad ay hindi lalagpas sa 10 metro, ang taas ng reinforced concrete o concrete hollow block wall ay maaaring bawasan hanggang minimum na apat na palapag na hindi na kailangan ang wire mesh sa ibabaw ng pader.
Ang mga roof gardens sa gusali na hindi sumunod sa mga requirements ay hindi dapat payagan na gagamitin bilang refreshment parlor, bar, night club, restaurant, floor o stage show o anumang pampublikong gamit. A.P.REFUERZO / ABN

Amianan Balita Ngayon