Reporma sa konstitusiyon layong palakasin ang political party system

LINGAYEN, Pangasinan – Isang kapansinpansin na katangian ng panukalang political at electoral reform provisions sa 1987 Konstitusiyon na isinusulong ng Center for Federalism and Constitutional Reform (CFCR) ay ang pagpapalakas sa political party system upang bigyan ng pagkakataon ang digaanong kilala ng publiko.
Sinabi ni professor Jose Ramon Casiple, resource person on Constitutional Reform (CoRe), na ang amiyenda sa Konstitusiyon ay mahalaga para makalikha ito ng agarang epekto sa mamamayang Pilipino.
Sinabi niya na ang mga pagbabago sa probisyon ay kasama ang pagpapalakas ng political party system at pagpataw ng mga restgriksiyon sa political dynasties. “The amendment would change the rules of the game. It would change traditional politics marred by vote buying, cheating and others,” ani Casiple sa ginawang CoRe Talk sa bayan ng Lingayen noong Lunes.
Sa pagpapalakas ng political party, ay sinabi niya na ang mga lider na malilikha ay hindi ibabase sa kapangyarihan o political clans. “Kahit wala kang pera at hindi masyadong kilala ang apelyido mo, kung magaling ka, may qualities of a good leader at gusto mong magsilbi, ang partido ang bahala sayo. The party will raise funds and roll the campaign for you,” paliwanag ni Casiple.
Sinabi ng professor na maaaring lumikom ng pondo para sa isang kandidato basta ang komsepto ay transparent. Ang mga kontribusyon ay maaaring magmula sa mga indibiduwal na mamamayan.
Malilimitahan ang partido mula sa pagtanggap ng mga donasyon o kontribusyon na magmumula sa iligal na kalakal, jueteng, drug lords, mga sindikato, religious groups, foreign entities at mga korporasyon.
“Because it (party fund) will be a public fund, it will be audited by the Commission on Audit and a proper identification as to who the donor is, how much was donated and where the money was spent will be scrutinized,” dagdag niya.
Isa pang probisyon ay ang restriksiyon sa pagpapalit ng mga partidopolitikal upang maiwasan ang monopoliya. Kung ang isang kandidato ay lilipat sa ibang partido political habang papalapit ang halalan, hindi siya maaaring tumakbo sa kasalukuyang political season. Kailangan niyang maghintay sa susunod na panahon ng halalan.
Ang nakagawiang paglipat sa partido political ng kung sinuman ang manalo sa pagka-Presidente ay maiiwasan din, pahayag ni Casiple. “Mabigat ang restrictions, kaya bawal ang balimbing,” ani Casiple.
Naniniwala si Casiple na ang probisyon na nananawagan para sa restriksiyon sa dynasties ay magiging matagal na usapin sa Kongreso dahil 80 porsiyento sa mga kinatawan ay mga miyembro ng political dynasties, ayon sa survey ng CoRe.
Dinidikta ng amiyenda na ang “incumbent” ay hindi maaaring palitan ng isang miyembro ng pamilya hanggang sa second degree consanguinity. Ang tandem ng mag-asawa o magulang at anak sa pagka-mayor and pagka-vice mayor ay ipinagbabawal din sa probisyon dahil nasa parehas silang hurisdiksiyon.
“Pag mag-asawa o mag-tatay o mag-nanay sa executive and legislative branches sa iisang area of jurisdiction, wala ng check and balance,” paliwanag ni Casiple.
Sinabi ng Department of theInterior and Local Government na ang CoRe Provincial Roadshow sa Pangasinan ay kauna-unahan sa bansa at magpapatuloy pa sa mas maraming probinsiya sa buong bansa.
Ang iba pang tagapagsalita mula sa CFCR na galling sa Pangasinan kabilang si Secretary Gary Olivar at Professor Eric Daniel DeTorres.
 
VHS-PIA1/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon