SAAN BA TAYO PATUNGO?

Simula’t sapul…di na tayo tinantanan ng mga mabibigat na problema. Pa-empleo, pang-agrikultura, pampulitika, pang-exportimport, katatagan ng mga trabahador, krimen na lalo
yatang tumataas at dumarami pa ang mga di pa nareresolbang mga kaso, kahandaan sa mga sakuna at rehabilitasyon sa mga nabiktima, nababalahaw na edukasyon dahil sa mga kaganapan at idagdag pa ang mga hidwaan ng mga opisyal ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan.

Sus ginoong Maryo….saan mo kami dadalhin sa hinaharap? In short: SAAN BA TAYO TALAGA PATUNGO? Una…nariyan ang nakaambang pangil ng China dahil sa agawan ng terirotryo sa West Phil. Sea. Natural, di tayo bibigay, ayon sa mga matataas nating mga opisyal. Ipaglalaban natin ang ating soberenya at karapatan sa sariling atin. Ang masakit…para lang tayong kuto sa ibabaw ng kalabaw kumpara sa Tsina. Di ano ang panlaban natin?

Ayon sa mga eksperto…huwag nating palampasin ang mga pambubully at panliliit sa atin ng China. Dapat ay ipaalam natin sa buong mundo ang kanilang ginagawa. Hindi tayo lalaban ngipin sa ngipin o bisig sa bisig kundi sa ibang paraan o taktika. Pero teka, pards…sakali na nabubunyag ang mga maling gawa ng Tsina sa mga teritoryo…at sila’y magbibingibingihan…ano ang maaring gawin ng ating bansa? Maghihintay na lamang ng kung anong susunod na “bully” ng tsina? Sabi ng ilan:
ano kung hindi tayo tulungan o idepensa ng mga kaalyado nating bansa?

Kung tayo naman ang aalma at susugod…para tayong pinitpit na luya, di ba? Ang masakit kapag tayo’y iniwan ng mga inaasahan nating katulong o kabisig na masasandalan, ano ang kasasapitan natin? Eh, di “PINITPIT NA LUYA NGA”. Wala na ba tayong maaring sandalang sandata laban sa
mga nang-aapi sa atin? Meron. Pagkakaisa. Hayaan nating panoorin tayo ng mundo na naaapi. Siguro naman ay magkakaroon naman ng delikadesa ng bansang umaapi sa atin dahil marami sa kanilang lahi ang nasa ating bansa.

Hindi lang sila ang may kakayanang mang-ipit, di ba? Ang pagtangkilik sa sariling atin….may maitutulong ito. Di man kalakihan sa biglaan, pero habang tumatagal, magiging matibay ding puhunan upang sumagupa sa unos. Nagpasalin-salin na tayo sa ibat-ibang lahi na tayo’y dungo
na nagpasailalim sa kanilang kapangyarihan…pero ito tayo ngayon…nakabangon na at pwede ng sumabay sa laban. Sa liit nating kakayanan, sa pagbubuklod, pagkakaisa at pagtayo sa ilalim ng iisang bandila…kaya nating sumagupa sa ano mang uri ng unos, di ba?

Kaya nga’t babala ng ating pamahalaan kamakailan laban sa mga sumusuporta sa lisyang puntirya ng dayuhang interes na maghinayhinay at hindi bulag ang ating pamahalaan. Nagdaan na tayo noong panahon ng mga Hapon. Marami sa atin ang naging suwail o traydor na kumampi sa kalaban. Di na dapat maulit ito. Ngayon na natin ipakita ang bangis at bagsik ng kampilan ni Pinoy laban sa sino mang gustong umagaw sa ating karapatan. Sana makakatulong ang ginagawang military exercises ng mga bansa (US, Japan, Australia) sa South China Sea upang mapahupa ang tensiyon sa teritoryo.

Sana makakapagisip-isip naman ang mga lisya ang plano sa atin na baguhin ang kanilang estratihiyang angkinin ang mundo. Sa panig ng mga praktikal na masa….ang banat nila “upakan na”. Pero sa punto ng gobyerno: “diplomasya”. Yan nga ang masakit, pards. Lagi na lamang tayong nakayuko. Di ba sabi nila, ang maliit daw ang nakakapuwing . Pero susmaryusep…papano mo
mapupuwing ang “sobrang laki ang mata”? Uobra ba ang istroya ng David & Goliath sa eksenang
ito? Ang panlaban lang natin ay maaring sina Dyesebel, Darna, Tarsan, Mang Kepweng. Liban lang kung matatawagan natin sina Super Girl at Superman plus Spiderman. Haaay buhay nga naman….Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon