Sapat na supply ng tubig sa lungsod, siniguro

LUNGSOD NG BAGUIO – Tiniyak ni Baguio Water District (BAWADI) general manager Salvador M. Royeca na sapat ang supply ng BAWADI para punan ang pangangailangan ng mga consumer sa nalalapit na Holy Week, sa kabila ng kasalukuyang El Niño na nararanasan ngayon sa buong bansa.

Sinabi ni Royeca sa isang media forum noong Huwebes, Abril 11, na ang Santo Tomas Rain Basin ay may mataas na level pa at kailangan itong ubusin.

Ang Santo Tomas RainBasin ay isang rainwater harvesting facility ng BAWADI kung saan nagmumula ang karagdagang supply ng tubig.

“We need to empty the Santo Tomas Rain Basin, but because of El Niño, tinitipid natin dahil we don’t know how long El Niño will take effect,” ani Royeca.

“We need to manage the draw down of the Santo Tomas Rain Basin but we are very confident this will last until the summer season,” dagdag pa niya.

Sinabi din ni Royeca na sa lahat ng mga water system sa 77th DAY OF VALOR COMMEMMORATED. Three World War II (WWII) survivors and Philippine Army general officer Bartolome Vicente Bacarro were joined by the city of Baguio in commemorating the
77th Day of Valor on Tuesday, April 9 at the Veterans Park.

RMC PIA-CAR bansa, ang BAWADI lamang ang nagsasagawa o gumagamit ng Rainwater Harvesting Facility (RHF).

Sa kasalukuyan, ang Santo Tomas Rain basin pa lang ang gumaganang RHF ng BAWADI.

Ang pangalawang RHF ay ang kasalukuyang tinatapos na Busol Watershed. Hindi agad natapos ang konstruksyon ng Busol RHF dahil sa mga pinsalang natamo nito noong typhoon Ompong na sinundan pa ng mga monsoon rain noong 2018.

Ang artificial growth ng populasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit isinaalangalang ng BAWADI ang pagtayo ng mga RHF, bukod sa pagiging back-up supply sa kanilang summer operations.

“BAWADI is doing all its best to counter the growth of the population, and we are talking about artificial growth. That’s why we are into the construction of additional RHF,” ani Royeca.

Ang Santo Tomas Rain Basin ay tumutulong para masuplayan ang 50% sa kabuuang coverage area ng BAWADI. Ang Busol watershed naman ay layong dagdagan lamang ang supply tuwing panahon ng tag-init o summer dahil ayon kay Royeca, nagkakaroon ng seasonal decline tuwing taginit kung saan kinakailangan ang dagdag na supply na manggagaling sa mga open source ng BAWADI.

“Busol Watershed is intended to augment only the supply during summer operations because during the wet season, we normally shut down some of our sources because of surplus of supply,” ani Royeca.

Ninanais din ni Royeca na sana magpasa ng ordinansa ang lungsod para hilingin sa taong bayan na magsanay sa rain harvesting tuwing tag-ulan para magkaroon ng pagkakataon ang BAWADI na pahingahin ang kanilang mga water source para makabawi sa kanilang summer operation.

Sa datos ng BAWADI, ang kasalukuyang water demand ng lungsod ay nasa 50,000 hanggang 55,000 cu.m bawat araw. Ang supply naman ay nasa 47,000 cu.m lamang bawat araw.

MJSdelRosario/ABN

Amianan Balita Ngayon