Sekyu pinagbabaril ng kapwa sekyu

LUNGSOD NG BAGUIO – Nauwi sa pamamaril ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang sekyu bandang 11:35pm ng Oktubre 16, 2018 sa NFA Staff House, Loakan Proper, Baguio City.
Naiulat ang pangyayari sa Station 4 ng city police office dakong 12:45am ng Oktubre 17 sa reklamong inihain ni Christopher Benito Tejada, 47, security guard at residente ng Maridith, Loakan Proper, Baguio City laban kay Jose Cruz Leones, 55, security guard at residente ng Kadaclan Village, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nagpaputok ang suspek ng kaniyang issued firearm na 9mm armscor na may serial number 1593573 sa complainant nang maraming beses kung kaya nagkaroon ng slight physical injuries sa itaas na bahagi ng kaliwang hita ang complainant.
Ang insidente ay dulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa.
Inaresto ang suspek at narekober mula sa kaniya ang isang cal. 9mm pistol na Armscor, at isang magazine na may limang ammunitions. Narekober din sa lugar ng pinangyarihan ang dalawang fired 9mm cartridges.

Soil erosion

Gratitude

Amianan Balita Ngayon