SINING AT PAG-IBIG TAMPOK SA FLORAL EXHIBIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Sa temang “Naturistic” isang floral design Bulakna Exhibit 2024 na nakatuon sa sining at pag-ibig sa bulaklak ang idinaos sa Ililikha, Assumption Road, Baguio City,kamakailan. Pinangunahan ni Dr.Anthoniuz Aquino Paulite, isang kilalang florist, ang pagdiriwang, upang ipakita ang kahusayan ng mga lokal na artist sa pagbuo ng mga bulaklak. Ang exhibit ay naglalayong bigyang-pansin ang halaga ng kalikasan.

Nagbabala din si Dr. Paulite sa posibleng pagkawala nito sa kasalukuyang henerasyon. Dagdag pa niya, “Kapag mga gantong theme, mas madali nating makakuha ng mga participants. Lumalabas ang kanilang likas na pagiging artistic at ang kanilang creativity, kasama na ang kanilang kakayahan sa paggamit ng mga likas na materyales.” Sa loob ng ilang araw na pagdiriwang, nagpamalas siya ng kanyang galing sa pagtatanim ng bulaklak, na nagdulot ng paghanga sa mga dumayo. Bukod sa pagpapakita ng iba’t ibang uri ng floral arrangements, nagbibigay din ang event ng inspirasyon sa mga nagnanais na matuto sa sining ng floristry. Taun-taon, dumarami ang suporta at interes ng komunidad sa naturang pagtitipon, patunay ng patuloy na pag-unlad ng sining at kultura sa Baguio.

Irish Beatrix A. Montano/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon