TAG-INIT AT EPEKTO SA EDUKASYON!

Grabe na ang epekto nitong El Nino sa bansa. Epekto sa edukasyon, agrikultura, kalusugan, politika, West Philippine Sea. El Niño na di lang sa ating bansa nangyayari. Dahil habang tayo ay tagtuyot, binabaha naman sa ibang panig ng mundo. Ating suriin mga kaDaplis: Batid ng lahat na kulang pa rin tayo sa silid-aralan dahil dumarami din ang estudyante taon-taon. Kaya ang tanong ay ito: sa tagal nan g problemang eto, baakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas? Ilang palitan na ang mga umupong hepe ng Edukasyon sa bansa pero andiyan pa rin ang problema?

Kung kapos sa budget, eh, bakit hindi remedyuhan? Kung nakakahanap ng paraan para resolbahin ang mga problema sa iba’t iba sector, bakit sa edukasyon ay hindi maisingit upang matugunan sana ang pangangailangan nd
departamento. Hindi dapat maliitin ang problemang ito dahil buhay ng mga estudyante at guro ang apektado. Pero bago tayo umupak, bato-bato sa langit muna, hane? Kamakailan, maraming mga eskuwelahan ang nagsuspende ng kanilang mga klase dahil sa sabi nila…ang mga silid-aralan ay mistulang “pugon” na.

Ang pugon mga pards ay yong pinaglalagyan ng “fresh” na dahon ng tabako sa probinsiya. Ginagatungan ito hanggang sa maluto ang dahon at maging “crispy” paglabas. Ang pugon ay lutuan ng tinapay at iba pang makakain. MAinit. At dahil sa pugon naihahambing ang silidaralan, napakaimposibleng makaka-concentrate ang mga bata sa pag-aaral kung halos matusta na ang kanilang katawan at utak. May mga ulat pa nga na may mga batang nahimatay sa ibat-ibang dako ng bansa dahil sa matinding init. Ayon nga sa ulat ng Pagasa, abot pa sa lagpas 40 degrees centigrade na malayong lagpas sa kayang init ng ating katawan.

Napakainit upang kayanin ng katawan. Isasakripisyo pa ba natin an gating mga mag-aaral sa ganitong kalagayan? NA batid din natin na iinit pa ang panahon sa mga darating pang taon. Mainam nga sigurong gawan nan g paraan ngayun at laanan ng mas malaking pondo ang edukasyon. Laging nakatuon ang mga balita sa mga kung ano-anong
nagaganap sa WPS dahil sa ginagawa ng Tsina. Nariyang nagpatutsada naman tayo sa pamamagitan ng isang
malakihang “show of force” diumano sa West Phil. Sea na nilahukan ng ating bansa, Estados Unidos, Japan,
Australia. Sabi sa ulat na nagsagawa rin daw ang China ng patrolya ngunit ayon sa AFP, walang nangyaring ganyan.

So ibig sabihin..maaring nanood lang sila? Meron ding mga isyung kinalampag kamakailan hinggil sa paghahanap ng mga otoridad sa dating Bucor Chief na si Bantag kasabay ng paghahanap din kay Pastor Quibuloy. Yan ang ilang
mabibigat na mga balita kamakailan kung saan kasagsagan ang init ng panahon at parang naisansantabi ang
kalagayan ng Edukasyon. Nasasangag na sa sobrang init ang mga mag-aaral at mga guro at nangangailangan ng
atensiyon…pero para daw mas mahalaga ang ginagawang aksiyon at atensiyon sa mga sinabi nating mga eksena sa taas – WPS, Bantag at Quibuloy.

Ano ba talaga ang dapat mangyari para matugunan ang problema ng ating mag-aaral at guro ngayong panahon ng taginit? Kulang ang bentilador lang bawat silid-aralan. Hanggang sa unang linggo pa ng Hunyo ang pagtatapos ng school year 2023- 2024. Isang buwan pa ang bubunuin ng mga estudyante. Matagal-tagal pa ito. Ayon sa PAGASA…mararamdaman pa rin natin ang ganito kainit na panahon hanggang Mayo. Sa obserbasyon, paglabas sa silidaralan ang mga estudyante, basing-basa na sila sa pawis.

Kaya sabi ng marami, total, nagsususpende na rin lamang ang Dep-ed ng mga klase, bakit di pa ito ituloy-tuloy ang “online classes” o distance learning mode gaya ng nangyari noong panahon ng pandemya dahil sa Covid-19? Sabi g marami, dapat ibalik na ang Hunyo-Marso ang pasukan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Batid ng lahat na may plano na ang pamahalaan hinggil dito. Na kung matutupad, maaring sa 2025 pa o baka hanggang 2027. Susmaryusep. Ibig sabihin, matagal pa ang kalbaryo ng mga estudyante at mga guro. Sana mapaaga pa ang paglipat sa dating school calendar para maiwasan ang mas mabigat na problema sa edukasyon. Sana. Adios mi amor, ciao mabalos.

Amianan Balita Ngayon