URBANIZED AGRICULTURE SA BAGUIO, PINAG-AARALAN NA SA KONSEHO

BAGUIO CITY

Pinagaaralan ngayon sa Sangguniang Panlungsod ang ipinasang ordinansa ni Councilor Leandro Yangot,Jr., ang Urbanized Agriculture, na naglalayon na bigyang-diin ang kahagahan ng pagsasaka sa siyudad ng Baguio. Ang iminungkahing ordinansa ay tumutukoy sa isang multi-faceted policy framework, mula sa pagsuporta sa pagbawas ng kahirapan hanggang sa pagpapahusay ng environmental resilience, gaya na lamang ng pagbabawas ng carbon footed at ang pagsasaalang-alang ng kooperasyon at bayanihan sa bawat barangay.

Layunin din nito na labanan at solusyunan ang mga hamon sa lungsod at kapaligiran tulad ng polusyon sa hangin, kakulangan ng pagkain, at mga epekto ng pagbabago ng klima. Kung maaaprubahan ang nasabing ordinansya, bubuo ng isang Urban Agricultural Council, kung saan ang Alkalde ng lungsod ang nagsisilbing pangulo at ang chairperson ng city council ang magiging bisepresidente ng Committee on Market, Trade and Commerce, and Agriculture.

Maglalaan din ng partikular na budget para sa mga programang pangagrikultura sa lunsod sa kanilang Taunang Mga Plano ng Pamumuhunan upang itaguyod ang mga inisyatibo na pinatatakbo ng komunidad na nakatuon sa mga
pangangailangan at priyoridad sa lugar. Magiging hakbang ito upang mapasigla at mapunan ang mga bakanteng espasyo gaya na lang ng bakanteng lote na maaaring gawing backyard farming, at sa mga pampublikong paaralan upang magtayo ng gulayan sa paaralan na dati na rin ginagawa.

Tutulungan din ng nasabing ordinansa ang mga barangay sa lungsod sa pagpapatupad ng kanilang sariling mga programa sa pagtatanim, na nag-aambag sa pagpapanatili ng kaunlaran at ang pagtaguyod ng masustansyang pagkain. Magkakaloob din ang konseho ng mga programang pang-edukasyon at kampanya ng impormasyon upang
madagdagan ang kamalayan tungkol sa mga pamamaraan ng pagtatanim sa lungsod, mga modernong teknolohiyang
pang-agrikultura, at pangangalaga sa kapaligiran upang bigyan ang mga residente ng mga kasanayan at kaalaman na kinakailangan.

Almira Mia P. Marasigan/UBIntern

Amianan Balita Ngayon