Water Sources sa Lungsod ng Baguio Kumokonti

LUNGSOD NG BAGUIO – Kumokonti na ang water sources ng Lungsod ng Baguio kaya naudyukan ang pangako ng National Water Resources Board na tingnan ang paglaganap ng iligal na mga deep well na siyang sinisising isa sa mga dahilan ng problema.
“They promised to look into the matter of illegal deep wells and have them removed but no timeline was mentioned,” ani Baguio Water District General Manager Salvado Royeca though. Nakipagkita si Mayor Benjamin Magalong at Royeca sa mga opisyal ng NWRB sa pamumuno ni Executive Director De. Sevillo David Jr. upang talakayin ang mga proposisyon isa na dito ang posibilidad na paggawad ng regulatory power sa BWD sa mga water resources at private deep wells sa lungsod.
Sinabi ni Royeca na lahat ng rekomendasyon ay tinalakay at umaasa sila sa positibong feedback mula sa board.
Ang tiningnan ng board ang hindi pinayagang mga deep well na siyang tinukoy na isa sa mga sanhi ng pagkonti ng recharge areas ng underground water sources ng lungsod na nagresulta sa pagbaba sa pumping water levels.
Ang parehong problema ay kinakaharap ngayon na napipintong maranasan ng lungsod ang malalang kakulangan sa tubig ngayong tag-init dahil sa pagkonti ng makukuha mula sa underground sources at isang kakulangan sa water harvesting target s ilang pasilidad ng lungsod dahil sa hindi sapat na ulang natatanggap.
Sinabi ni Royeca na may mga hakbang ang BWD gaya ng pagkakaroon ng mas maraming sources at pag streamline sa water supply schedule upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay hanggang panahon ng tagulan.
Gayunman, hinihikayat ang publiko na gawin ang bahagi nila sa pagtulong sa pagtitipid ng tubig sa kanilang mga tahananan at opisina.
“This water shortage is not just a possibility but is something inevitable and we all have to do something,” ani Mayor Benjamin Magalong.
Sa gitna ng posibilidad ng kakulangan sa tubig, nag-isyu ang BWD ng water conservation tips gaya ng: Maligo gamit ang timba o madaliang paliligo at paggamit ng tabo o dipper at huwag hayaang maglaro ng tubig ang mga bata; paggamit ng batsa sa paglalaba upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig; paggamit ng washing machine na puno lamang; pag-recycle ng tubig gaya ng gamiting
pangbuhos at panglinis ng banyo ang pinaglabhang tubig, o paglilinis ng sasakyan; ugaliin ang pag-ipon ng tubig-ulan at ireport o agad kumpunihin ang mga tagas.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon