100 barangay “drug-free” ayon sa BCPO

LUNGSOD NG BAGUIO– Nasa 100 barangay sa kabuuang 128 barangay sa lungsod ang idineklarang drug-free ayon sa isang accomplishment report ng Baguio City Police Office (BCPO) sa barangay clearing operations nito mula Hulyo 1, 2016 hanggang  Marso ng taong ito.

Ang ulat ay inihayag ni BCPO community relations officer chief Armando Gapuz noong 1st quarter regular city Anti-Drug Abuse Council (CADAC) meeting noongMarso 27 sa Bagio City multi- purposehall na pinamumunuan ni Mayor Mauricio Domogan at
co-chairman BCPO Director Eliseo Tanding.

Sinabi ni Gapuz na limang barangay ang sumalilalim sa drug clearing operations; apat ang hindi apektado ng mga iligal na droga; 17 barangay ang re-affected o bumalik; at dalawa ang kabilang sa barangay narcolist ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte(PRRD) sa loob ng halos apat na taon peryodo.

Isa sa mga barangay na nasa narcolist ni PRRD ay idineklarang “cleared” noong Marso 7. Dagdag pa niya na 402 drug personalities ang naaresto habang 2,512 ang sumuko sa parehong peryodo.

Ang mga naaresto ay 328 drug pushers at 74 drug users habang ang mga sumuko ay 372 drug pushers at 2,140 users.

Ang CADAC ay isang coordinating body na may mandatong tumingin at pagtugmain ang lahat ng anti-drug abuse intervention ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na gobyerno at pribadong sektor upang makalikha ng isang kabuuang tugon para masugpo ang paglaganap ng mga iligal na droga sa lungsod na may malalang banta sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ang komposisyon at mga tungkulin nito ay nakasaad sa joint memorandum circular no. 2018-1 ng Department of Interior and Local Government at ng Dangerous Drug Board o ang implementing guidelines on the functionality and effectiveness of local anti-drug abuse councils.

PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon