Paglaganap ng heatstroke ngayong tag-init binabantayan ng DOH

LUNGSOD NG BAGUIO – Pumalo sa 25 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa Baguio noong Linggo, Abril 7 kung kaya’t nagpapaalala ang Department of Health (DOH) sa maaring paglaganap ng heatstroke na karaniwang nauuso tuwing panahon ng tag init.

Ayon kay DOH Nurse V Geeny Austria, “dapat sinisigurado natin ang paginom ng walong baso ng tubig o higit pa kasi makakatulong ito makabawas sa high body temperature lalo na’t mainit ang panahon”.

Inihayag din ni Austria na ang mga nasa edad 40 hanggang 50 pataas ang kadalasang tinatamaan ng heatstroke.

Sila ang kinokonsiderang nasa high risk at maari ding magdulot ng hypertension, diabetes, kidney diseases at pagkokombulsyon o high fever.

Mas makakabuti kung maagang agapan ang mga nararamdaman sa ating katawan upang makaiwas sa maaring idulot ng heatstroke.

Sinabi din ni Austria na ang nalalapit na pagtaas ng kaso ng Dengue sa siyudad ay kanila ring binabantayan. Dahil sa kakulangan ng tubig, ang pagiimbak nito ay pwede ring magdulot ng sakit na naayon sa mainit na panahon at maaari din itong lumaganap.

“May mga ilang dengue cases na din tayo dito pero sana maiwasan pa natin lalong lalo na yung pag-iimbak ng tubig sa mga drum.

Kailangan nakacover ito properly”, paalala ni Austria.

Jethro N. Faina, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon