11% ng healthcare workers sa Region 1 nabakunahan na

SAN FERNANDO CITY, La Union – Sa pagpapatuloy ng pagbabakuna sa COVID-19 sa buong bansa ay iniulat ng Department of Health – Ilocos Center for Health and Development (DOH CHD1) na 11 porsiyento ng healthcare workers sa rehiyon ang nabakunahan na.
Sa kaniyang ulat ay ipinakita ni John Paul Aquino, regional focal for immunization of the DOH CHD1, noong Martes (Marso 16) sa pagpupulong ng Regional Vaccination Operation Center (RVOC) na 7,961 healthcare workers sa 69,513 eligible population sa ilalim ng Priority Group A1 sa Region 1 ay nabakunahan na hanggang March 15.
“This is equivalent to 11 percent coverage of our masterlisted eligible population,” ani Aquino. Sa mga probinsiya, ang La Union, sa ngayon ang may pinakamataas na accomplishment na 20 porsiyento sumunod ang Ilocos Norte na may 12%; Ilocos Sur ang pangatlo na may anim na porsiyento; at Pangasinan na tatlong porsiyento.
Samantala, ang Dagupan City, isang independent component city sa Pangasinan, ay nakapagrehistro ng 42 percent coverage. Upang lubos na mapamahalaan ang kabuuang 38,800 doses ng naisyung mga bakuna sa rehiyon, 1,676 katao ay tatanggap pa ng kanilang unang dose ng Sinovac vaccines habang 1,605 katao para sa AstraZeneca.
“We are expecting the increase of the numbers as the 29 implementing hospitals in the region administer the vaccines to their frontline health workers,” dagdag niya. Isa pa, inamin ni Dr. Mar Wynn Bello, assistant regional director of the DOH CHD1, na ilang bansa sa Europa ay itinigil ang kanilang AztraZeneca vaccination rollouts dahil sa isyu ng blood clot.
Sa kabila ng mga ulat ay siniguro ni Bello na ag DOH at Food and Drug Authority ay nananatiling matatag na ang pagbabakuna ng AstraZeneca sa Pilipinas ay dapat ipagpatuloy. “The DOH-FDA find no reason to suspend AstraZeneca vaccine as the benefits of vaccination outweigh the risk,” ani Bello.
Upang mapabilis ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca sa rehiyon ay naglabas ang RVOC Region 1 ng Advisory No. 6 na nagrerekomenda ng iskedyul ng uang dose ng nasabing bakuna mula Marso 15 hanggang 21 habang ang ikalawang dose ay mula Mayo 10-16. Sinabi niya na ito ay kasuwato ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na isang 8-linggong agwatl upang maitaas ang efficacy at immunogenicity ng bakuna.
“The WHO is looking at the performance of regions in administering the vaccine which is the basis for the next delivery,” aniya.
Unang natanggap ng Rehiyon 1 ang paunang 14,400 doses ng Sinovac vaccines noong Marso 4 habang ang ikalawang delivery na binubuo ng 14,400 ng Sinovac at 10,000 ng AsreaZeneca vaccines noong Marso 8.
(JPD-PIA LU/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon