2 bigtime drug personality arestado sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Humigit kumulang sa tatlumpu’ttatlo na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP224,400 at isang Nissan Safari na sasakyan na pinapaniwalaang ginagamit sa iligal na transaksyon sa droga ang kinumpiska ng mga operatiba ng PDEA-CAR mula sa lider ng isang drug group at kaniyang kasamahan sa isang buy-bust operation sa Coyeesan, San Luis, Baguio City gabi ng Lunes, Abril 8, 2019.

Ang mga naarestong drug personality ay kinilalang sina Daniel Tan Cole alyas “Tisoy”, 41 taong gulang, walang asawa, Filipino, negosyante at lider ng isang drug group na nagooperate sa lungsod; at Rachel Anne Ormita alyas “Rachel”, 29 taong gulang, walang asawa, walang napag-alamang trabaho, at isang high value target.

Inaaresto ang dalawa sa pinagsanib na mga elemento ng PDEA-CAR Provincial Offices ng Benguet, Mountain Province, Apayao, Baguio City, at Baguio City Police Office Station 1 sa pangunguna ni IA V Charlton John Carame, Provincial Officer ng PDEA-Benguet.

Ang mga naaresto ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Lito M. Camero Jr./ABN

Amianan Balita Ngayon