51 PERTUSSIS NAITALA SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

Sa unang quarter ng taon, naitala ang 51 suspected cases ng Pertussis o Whooping cough, ayon sa Department of
Health-Cordillera. Ang lungsod ng Baguio ang may pinakamaraming kaso, na umaabot sa 32, habang may 18 sa Benguet at isa sa Kalinga. Base sa ulat, anim ang mga kumpirmadong kaso, at hanggang sa ngayon, apat pa ang hinihintay ang resulta. Ayon sa DOH-Cordillera, nagsimulang tumaas ang kaso ng Pertussis noong Marso 6, at karamihan sa mga tinamaan ay mga sanggol na anim na buwan pababa.

“Kapag bakuna ay kumpleto, lahat protektado”, yan ang tema sa darating na World Immunization Week mula Abril 24 hanggang 30, pahayag pa ng departamento. Ayon kay Dr. Kilakil, Medical Officer IV/ DOH-CAR, Family Health Cluster Head, ang layunin ng immunization ay magbigay diin sa importansya sa pagbabakuna upang maprotektahan ang buong populasyon, maging bata man o matanda. Siniguro ng ahensiya na libre ang bakuna mula sa pamahalaan para sa proteksyon ng lahat, partikular na sa mga sanggol. Tsidkenu Denise Fernandez

Ignacio/UB-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon