Arms cache ng NPA, narekober sa kuweba

CONNER, Apayao- Mga de-kalibreng armas at bala na itinago ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang narekober ng pulisya at Philippine Army sa isang kuweba sa Sitio Bagumbong, Barangay Calafug, Conner, Apayao.
Sinabi ni BGen.Ronald Oliver Lee,regional director ng Police Regional Office-Cordillera, agad nilusob ng mga tauhan ng Apayao PPO, RIU 14, RMFB15, SAF at Philippine Army ang kuweba, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen na may itinagong mga armas ang mga rebelde ng Kilussang Larangang Gerilya Baggas sa ilalim ng Marcial Daggay Command, nan ago-operate sa lalawigan ng Apayao.
Natunton ng mga operatiba sa loob ng kuweba ang mga sako na may mga lamang dalawang US Carbine Cal .30 M2; 13 pieces Live ammo of M203; 8 pieces M203 ammo case; 2 pieces bandolier of Garand; 1 piece bandolier of M203; 8 pieces cartridge clip for Garand; 29 pieces live ammos of carbine; 1 piece magazine of carbine;155 pieces live ammo of Garand (7.62mm); 45 pieces live ammo of M14 (7.62mm); 3 pieces live riffle grenade; 3 pieces riffle grenade case;1 piece live 81mm mortar; 1 piece smoke grenade; 14 pieces live 9mm specialized ammo; 1 piece 9mm ammo case; 1 piece small box of gun parts at accessories.
Ayon kay Lee posibleng iniiwan o’ itinatago ng mga rebelde ang kanilang armas sa nasabing kuweba tuwing pupunta sila sa bayan upang makaiwas sa awtoridad. Ang mga nakuhang armas ay agad na dinala sa Apayao Provincial Crime Laboratory Office (PCLO) para sa ballistic examination.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon