AT DAHIL bagong buwan na, hindi maikakaila ang pagnanasa na palayain ang bagong pag-asa. Di yan naman tayo nabubuhay sa pagasang bubuti ang lahat-lahat. Mapagkikitaan. Mapagbubuhayan
Kaya naman, ating salubungin ang buwan ng Hulyo ng isang mapagpalayang pagbati sa lahat. Manaig sana ang pagmamahalan. Hindi lamang sa isa’t isa. Hindi lamang sa mga mahal sa buhay.
Pati na rin ang mga minsan ay minahal – kaibigan, kaibig kaibigan.
Isama na rin ang mga nakaligtaang minsan ay naging malapit sa puso. Mga taong minsan ay
kabungguang dila. Kaisang balikat. Ngunit ngayon ay nabubuhay na lamang sa mga alaalang pilot
na binubuhay sa gunita. Sila man ay wala na sa ating paligid, hindi maitatatwa na minsan naging bahagi ng mundong ginagalawaan. Isang mundong minsan ay naging saklaw ng nag-iisang
damdamin.
Pag-asa ang natatanging lakas na nagbibigkis sa nakaraan at kasalukuyan. Anuman Ang panahon, gaano man ang hagupit ng pagkakataon, pag-asa pa rin ang siyang mag-aangat sa atin. Gagabay sa muling paglalakbay. Papatnubay sa ating tatahaking landas. Ilaw na mag Ibig at liwanag sa ating lalakarin. Ang malimit na ating maririnig, nasa pag-asa ang ating sasalan ng lakas, isang sandigan
ng mga pangarap upang mabigyan ng sapat na pundasyon ang muli at muling pagbangon.
Hindi dapat maliitin: ang kadiliman ng dumaraang gabi ay pinalilinaw ang isang libo’t isang
bituing gaano man ang layo sa paningin. Isang pagpapahalagang pagsalubong sa bagong buwan
ng pag-asa. Diyan tayo aahon, babangon, at aangat pa. Anuman ang sungit ng panahon. Anuman ang hampas ng pagkakataon.
July 1, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024