ISANG MALUWALHATING huling araw ng 2023, at masayang pagbati sa unang araw bukas ng 2024! Tradisyong napakaPilipino ang ngayon ay muling magkasama-sama upang bigyang pugay ang nagdaang taon. At langhapin ng buongbuo ang pag-asang maging maunlad ang buhay ng bawat
pamilya sa bagong taon. Tulad nang nakaraang linggo, ngayon ang araw ng pagpapaigting ng alab hindi lamang sa nakaraan kundi maging sa hinaharap.
Ang pagkakapit-bisig ay ating bigyang dangal, bilang pagkilala sa mga liksyong umigting sa ating buhay. Ang pagbalik tanaw ay mahalaga upang magkaroon ng liwanag ang landas na tatahakin sa
susunod na mga araw, linggo, at buwan ng isang bagong taon. Kaya naman, kilalanin nating muli ang mga iba’t ibang kulay na nagpatingkad sa nagdaang taon – ang mga hinagpis dahil sa salat na buhay ng nakararami, ang mga tagumpay ng mga naghaharing uri na sagad sa yaman ang naipundar upang ang kanilang mga pamilya ay manatiling humihimlay sa karangyaan.
Huwag din nating kaligtaan ang mga magigiting na kababayang buong sigasig na hinarap ang lahat ng uri ng mga paghamon, hindi tumitinag, hindi umaayaw, lagging nakangiting nilalandas ang
tinatapakang lupa upang buong tapat nilang maitaguyod ang pamilya. Mahirap man ang maging mahirap, naging matatag ang ilan sa atin upang buong katapatan nilang malabanan at malampasan ang mga pagkakataong lalong humihirap habang tumatagal. Muli at muli nating tunghayan ang iba’t ibang larawan ng mga Pilipino kailanman ay hindi tumangging harapin ang nakalantad na
paghihirap.
Gaano man kasakit, sila ay patuloy na buhay ang pag-asang makakaahon din, malalampasan din ang anumang sitwasyon ng paghamon, anuman ang pagkakataon. Muli at muli, isaisip ang mga agos ng buhay na ating sinakyan – hindi upang magpadala sa agos, kundi ang palampasin ang bagsik nito, habang nagiipon tayong lakas upang sa matalinong pamamaraan – ang bansag dito
ay diskarteng Pinoy – ay hayaang humupa ang bangis ng tadhana at idaan sa sayaw at musika ang dumaraang unos.
Dapat lamang na sa isang bagong taon, ating harapin ang larangan ng ibayo pang lakas, talino, galing at husay. Hindi para maging Number One, kundi maging Only One – ang bukod tanging Pinoy na hinasa ng kahirapan, ngunit buo pa rin ang loob na salungain ang hamon ng hindi natitinag. Ganyan ang Pilipinong kailanman ay hindi naging maparaan sa pag=ahon at pagbangon. Ang ngiti ay napakadaling gumuhit ng bagong mukha. Ang halakhak ay buong-buong sumasambulat sa kapaligiran, tanda ng isang pursigidong Pinoy na palagiang ginagabayan ng tiwala at adhikain taal at tatak na Pilipino.
Ngayong bago na ang taon, hindi magiging sorpresa kung ang buhay ay magkaroon din ng pagbabagong akma sa kanyang mga hinahangad. Habang may buhay, ika nga, may pag-asa. Diyan tayo aangat ng lubusan, sa pagasang ang asenso ng pamilya ay nasa pinagsamang lakas, talino, at husay ng Pilipino hindi kailanman ay magpapalupig, magpapadaig, at magsasawa;ang-kibo na
lamang.
AngatTayoBaguio. Dahil sa tiwala, ang lahat ay may kaganapan.#
December 30, 2023
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024