BAGONG TAON, MGA BAGONG HAMON: KAYA SA BAGONG PAG-ASA

Ang pagpalit ng kalendaryo ay matagal nang inuugnay sa pangangailan ng tao na magmuni-muni at muling magsuri sa paghangad ng paglago at pagbabago sa sarili. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga taga-Babylonia, mahigit apat na milenyo na ang nakakalipas ay ang mga unang tao na gumawa ng mga resolusyon at magdiwang ng bawat bagong taon.

Sa nakaraang maraming siglo, ang karamihan ng mga resolusyon ay para sa espirituwal, ngunit tila hindi na ngayon dahil nangingibabaw na ang mga pangako sa bagong taon na ukol sa pagsusulong ng mga pansariling layunin o pagpupursige na maging mas aktibo at positibo sa pakikisalamuha sa iba at pagtagumpayan ang masasamang bisyo. Nakakalungkot, napakaraming resolusyon lahat ay nakalimutan at maraming di-makatotohanang inaasahan, kakulangan ng pagganyak at kakapusan ng tiyaga ay maaaring makasira sa pinakamagandang nailatag na mga plano.

Mas mabuti pang kunin ang mas makatotohanang mga pangarap, magsimula sa maliit at
magtrabahong pasulong sa bawat hakbang ng pag-unlad. Ang buong mundo ay tila nasa hapis pa, subalit mukhang nasa landas tayo para makabalik sa mas karaniwang antas ng sentimiyento ukol sa kasalukuyan at malapit na hinaharap. Ang taong 2023 ay nagmarka ng isang mahalagang paghina ng mga epekto ng COVID-19 habang ang bigat ng sakit na ito ay unti-unting nababawasan kapuwa sa mga polisiya ng gobyerno at isipan ng publiko.

Maaaring makasaysayang desisyon ang opisyal na pagtapos ng World Health Organization (WHO) ang estado ng sakit bilang global health emergency, subalit, ang pagbaba ng krisis sa kalusugan ay sa kasamaangpalad sinamahan ng paglala sa mga tensiyon sa heopolitika. Ang agresibong pag-atake ng Russia sa Ukraine na nagpapakita na walang senyales ng paghupa, lumulikha ng isang kapaligiran ng aligamgam at kawalan ng kapanatagan. Mas lalo pang nagpalala sa magulo nang sitwasyon ng mundo ay ang pagputok ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Samantala, ang takbo ng panahon ay lumalalang pabagu-bago kung saan malaking bahagi ng mundo ay patuloy na binabata ng tumitinding temperature sa tag-init taun-taon na nagbabadya ng potensiyal na paglala ng pag-init ng daigdig. Ang 2023 ay taon din ng pagdami ng kalamidad, na sanhi ng malawakang paghihirap sa iba’t-ibang bahgi ng mundo, kabilang ang Pilipinas. Ang di-matantiyang mga sakunang ito ay nagsilbing isang malungkot na paalala ng patuloy na pagbabanta ng krisis sa kapaligiran.

Ang Pilipinas ay isa sa malubhang hinagupit ng lupit ng kalikasan sa taong 2023, maliban sa mga panloob na suliranin at mga maiinit na isyu gaya ng iringan sa West Philippine Sea, bangayan ng mga politiko, mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at mataas na inflation ay ilan sa mga bumagabag sa mga Pilipino. Subalit sa kabila nito ay nananatiling matatag at hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino. Katunayan nito ay ang lumabas na survey ng tatlong organisasyon na halos iisa ang naging resulta.

Sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre 8 – 11 ay halos lahat ng Pilipino (96 porsiyento) ang sasalubong sa 2024 na may pag-asa at walang takot. Ang porsiyentong ito ay mas mataas kaysa 95 porsiyento noong 2022 at pinakamataas mula bago-pandemya na 96 porsiyento noong 2019. Sa inilabas naming survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Disyembre 3-7 ay lumabas na 92 porsiyento ang haharap sa 2024 na may pag-asa, habang 7 porsiyento ang umaasa o walang pagasa para sa darating na taon.

Ang pangatlong survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. (PAHAYAG End of Year) sa pagitan ng Nobyembre 29 at Disyembre 4 ay inihayag ang kapansin-pansing pagtaas ng optimismo ng mga Pilipino dahil ang mga pananaw sa kasalukuyang estado, pambansang direksiyon, at mga prospect sa ekonomiya ay nakaranas ng positibong pagbabago. Sa pangkalahatan, ang mga positibong damdamin ukol sa estado ng bansa patungo sa taong 2024 ay nakitaan ng mahalagang pagtaas
mula 59 porsiyento sa 68 porsiyento.

Gayunman, ang mga negatibong sentimiyento ukol sa estado patungo sa 202 ay bumaba mula 41 porsiyento sa 32 porsiyento. May ilang mga tao ang waring kontento sa pangangapa sa tadhana subalit kailangan nating piliin ang umasa at maging optimism – hindi lamang dahil may kinalaman sa mga masamang nakaraan kundi sa mas malaking larawan. Tunay, ang paniniwala na ang bukas ay maaari at kailangang maging mas mabuti kaysa kahapon ay ang pilosopiya na mapagtatagumpayan ang karamihan nating matinding mga hamon at siyang magpapakilos sa lipunan upang sumulong.

May iba pang mga hamon ang naghihintay sa atin sa 2024, walang duda at ang mga pagkabigo at mga pagkatalo ay mga bahagi ng buhay kung ikaw ay nakatuon upang makita ang pag-unlad. Sabi nga ng isang bantog na pisikong teoritikal : “Ang buhay ay parang isang bisekleta. Para mapanatili ang balance mo, kailangang patuloy kang kumikilos”.

Itaas pa natin ang ating pag-asa!

Pinagpala at manigong Bagong Taon sa ating lahat!

Amianan Balita Ngayon