Barilan sumiklab sa 2 tribu ng Kalinga at Mt. Province

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang “Butbut” na tribo ng barangay Bugnay sa Tinglayan, Kalinga marahil ay isa sa mga pinakamabangis na tribo sa probinsiya, ang sa ngayon ay nagiimbak ng pagkain at mga material bilang paghahanda para sa isang matagalang giyerang barilan sa kalapit na tribo ng Betwagan, Sadanga, Mt. Province.
Nito lamang Lunes, napaulat na pumasok ang mga armadong katutubo mula sa Betwagan sa teritoryo ng Butbut na sinundan ng isang-araw na barilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katutubo mula sa Betwagan habang walang namatay sa panig ng tribong Butbut.
Ang matinding poot sa pagitan ng dalawang magkalapit na tribo ay tumindi sa aktuwal na labanan ay nagsimula noong Pebrero 13, ngayong taon matapos masira ang kanilang “bodong” (kasunduang pangkapayapaan) matapos ang isang insidente ng pamamaril na nangyari.
Parehong nagtuturuan ang mga tribong Butbut at Betwagan kung sino ang naunang nagpaputok. Pinag-aawayan ng dalawang barangay ang isang pinagmumulan ng tubig na nasa pagitan ng kanilang hangganan.
Sa katunayan ay nasa ika-anim na negosasyon na ng kasunduang pangkapayapaan ang dalawang tribo noong Setyembre 9 at 10, 2018 na inaasahang maresolba ang kanilang 14-na taon ng away sa boundary.
Ang naunang limang negosasyon sa kapayapaan ay nabigo kabilang ang mga pinangunahan ng mga opisyal ng gobyerno ng Mountain Province at Kalinga. Ang ika-anim ay isinagawa kasama ang sector ng simbahan – ang Movement of Inter-Tribal Unity and Development (MAITUD) – bilang tagapamagitan. Istratehiyang Taktika.
Naniniwala si Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan na hindi maaayos ng mga lider ng tribo ang isyu. “We wait for both the Provincial LGU (of Kalinga and Mt. Province) cadastral surveys,” aniya.

Amianan Balita Ngayon