BUHAY AT KAMATAYAN

ISANG maluwalhating araw sa lahat, lakip ang pakikiisa sa mga Tsino saan man sa mundo. Sa mga Tsinoy sa buong
bansa, kaisa ang bawat Pilipino na buong sayang ipagdiriwang ang mga selebrasyong nagsimula pa nitong Byernes.
Taun-taon, ating binibigyang pagkakataon ang ating mga sarili upang inahagi ang pakikiisa sa araw ng Chinese New Year. Ito ay pagikilala sa makasaysayang pagsasamahan ng mga Tsinong noon pa man ay kasangga na ng mga Pilipinong sumagwan sa agos ng buhay.

Lumaki tayong nasa paniningin natin ang mga Tsino sa bawat sulok ng ating lipunan. Bawat lalawigan, bawat bayan ay mayroong sektor ng mga Tsinong ibinahagi anf kanilang katauhan na Kabalikat ng bawat isa. Kung makipagtulungan, buong-buo. Walang dalawang salita, sila ay masasandalan. Tsinoy ngang naturingan, Pinoy naman ang katauhan. Maligayang bagong taon ng mga Tsino saan mang panig ng bansa! Nawa ay manaig ang esoiritu ng kapatiran sa panahong ito. Hindi kinukupasan. Lalong tumitibay anuman ang hagupit ng pagkakataon.

Gagamitin na rin natin ang pagkakataong maibahagi ang pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay nitong
dumaang linggo. Tradisyong Pilipino ang ipagdiwang ang galak ng muling pagkikita sa mga esoesyal na panahon ng
pagsasama-sama. Dalawang pagkakataon na muling magkita-Kita ang myembro ng pamilya – ang pagsilang ng
dagdag-anak at ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Nitong mga huling araw, ating nasamahan ang pamilya
ng Lansang at Lloren sa pagkasawi ni Liwing Lansang.

Mapagmalasakit na maybahay ni George. Butihing ina. Mapagkalingang lola. Mapagmahal na kaibigan. Ulirang babaeng ginugol ang lampas kalahati ng 72 na taon sa pagiging tutoring tao. Ang kanyang pagpanaw ay gumulsntang sa kamalayan ng mga malalapit sa pamilya ni Liwing. Ganyan katraydor ang sakit na humagupit sa kanyang katawan. Ganyan ang agos ng buhay – kalmado ngayon, ngunit walang babala kapag naging daluyong. Nawa ay maging tanglaw ang buhay na iyong ibinuhos bilang natatanging babae.

Uliran sa bawat araw na iyong inihasik ng buong katapatan. Hindi mo iniwan ang mundong ginalawan. Ang iyong buhay ang syang magbibigay liwanag sa mga landas na aming tatahakin pa. Isang munting pagpupugay sa iyo, Liwing Lloren Lansang, mula sa aming lahat na biniyayaan ng galak at tuwang kailanman ay hindi papanaw. Sadyang ganito ang agos ng buhay Pilipino. Kapag nilakbay na ang hangganan, kapag buhay na lamang sa alaala, ang inulila ay bukal sa pagtanggap ang siphayo ng pagkawala.

Kung ang agos ng buhay ay mistulang bula na inililipad sa papawirin, ganoon din ang kamatayan – biglaan sa Ilan,
inaasahan sa may alam. Ngunit ang hapdi ng kawalan ay hindi napapawi ng ganun-ganun lamang. Tumitindi, humahampas, hunahagupit. Kaya naman, ang buhay at pagkamatay ay pantay lamang sa hirap at sakit ng mga
naiwanan. Ulila sa ngayon, lumipas man ang panahon. Anumang buhay ay kamatayan ang hangganan. Anumang kamatayan ay muling nabubuhay sa bugso ng galaw at sigla ng muling pagbangon.

Amianan Balita Ngayon